-2-
"Rique,pwede ba tayong mag-usap bukas?" tapos sinend ko na yung text ko.
Bukas ko balak makipagbreak sakanya,nakakalungkot dahil 1 year na sana kami bukas kaso di ko na talaga kaya yung mga ginagawa nya.
"Sumagot na?"tanong ni Kristen.
Umiling ako."Di pa siya nagrereply."
Nasa room parin kami pero tapos na ang klase. Pinaguusapan parin namin ang saamin ni Eric. Maliban sa VIXX (since Starlights din sina Janecel,Kristen and Elise) eh laging topic namin ang tungkol samin ni Eric.
Lahat kami mayboyfriend na PERO saming apat ako ang may pinakamagulong buhay pag-ibig----atleast. Highschool friends ko sila at lahat kami nagdecide na Achitecture ang kunin na course dahil mahilig kaming apat na magdrawing. Supportive friends sila,halata naman diba?
Classmates nina Jane at Elise si Eric noong highschool at kami naman ni Kristen ang magkaklase. Meaning,kilalang kilala nina Janecel at Elise si Eric,dati pa.Sa totoo nga di sila payag sa relationship namin dahil may pagkaplayboy/badboy daw si Eric pero dahil nga nakita nilang supeeer love ko si Eric eh wala na silang nagawa kung di tanggapin ang relationship namin.
"Shit!Ano bang gustong mangyari ni Eric?"galit na sabi ni Elise.
Bumuntong hininga ulit ako."Di ko nadin alam ang dapat kong gawin."
Minsan talaga dumadating ka sa point na hindi mo na alam ang dapat mong gawin. Ang hirap at ang sakit kaseng magdesisyon lalo na kung masasaktan ka. Leche talaga ang mainlove.
"Puntahan natin?"suggestion ni Kristen.
"Oo!Magandang ideya!Anong oras na ba?"sabi naman ni Janecel.
Tumingin ako sa Guess watch ko para makita ang oras,"4:08" sagot ko.
"Ok 4:30 pa labas niya diba?"tanong ulit ni Jane.
Nag-nod ako.Pumunta kami sa building nang mga Engineering students. Every step I take sumasabay ang tibok nang puso ko. Super abnormal na ang bilis nang puso ko.Feeling ko mahihimatay ako sa kaba.
Nang nasa floor nakami nila at malapit nakami sa room niya,pero parang nagstop ang puso ko nang kakita ko sakanya.I saw Eric na may kausap na babae. Super close nila sa isa't isa tapos nagtatawanan sila.
"OH MY GEE!"sabi ni Janecel.
"Wait..parang kilala ko yung babae ah."sabay turo ni Elise doon sa babae na kausap ni Eric.
"Oo nga mukhang pamilyar....Ah!Sya yung kausap ni Matthew kahapon!"sabi naman ni Kristen.
"Matthew?Si Matthew Louisse?!"panlalaki nang mata ni Janecel.
Di ko na natiis ang nakikita ko at tumakbo nalang ako papaalis nang building nila.Ngayon alam ko na kung gaano ako katanga para paniwalaan nang sobra si Eric sa lahat nang mga kasinungalingan niya. Iyak lang ako nang iyak habang tumatakbo hangga sa may mabangga ako.
"Kpop?I mean Kpopper?"
Dahan dahan akong tumingin sa lalaking nabunggo ko.Shit!Of all the people bakit ang retarded pa na Matthew nato ang nabunggo ko!Malas!
Hinawakan niya ako sa braso, "Hoy..ok kalang ba Kpop?Bakit ka umiiyak?"
Tinignan ko sya nang masama,"It's none of your business!Retarded!"tapos tinadyakan ko sya.Chismoso!Kainis.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Teen FictionEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...