-29-
-Eric's POV-
"Dude,anong galaw natin sa birthday ni Seulgi?"tanong ni Heaven na kasalukuyang nagyoyosi."Sa sabado nayon ah."
Sabado?Sa sabado na ang birthday ni Seulgi?Bakit nakalimutan ko? Teka lang,sa saturday din ang induction night namin sa school.Ibig sabihin sabay ang induction night at birthday ni Seulgi?
"Dude,may problema."sabi ko sabay tapon sa yosi ko.
"Ano naman?"tanong niya.
"Yung birthday ni Seulgi tyaka yung Induction night namin sabay.Napangakuan ko na si Louisse na pupunta ako para may kadate sya."
"Hala!Problema nga yan dude."tapos tinapon nadin nya yung yosi nya."Anong gagawin mo?Sinong sisiputin mo sa dalawa?"
"Di ko alam.Pero kung kayang gawin ko sa umaga i-date ko na si Seulgi tapos sa gabi hahabol nalang ako sa induction night namin?"seryoso kong tanong.
Natawa si Heaven sa sinabi ko,"Ang diskarte mo pare parang ibang classroom, IBANG KLASE! Ikaw na talaga Eric Kristoffer Manalili!"tapos natawa ulit sya.
Tinadyakan ko sya,"Wala ka talagang maitulong Heaven!Mahanap nalang nga si Teekei para sya nalang ang kausapin ko."tapos naglakad nako.
Hinabol nya ako at inakbayan,"Di ka naman mabiro dude.Yun nalang nga ang pinakadapat mong gawin."sabi nya."May regalo ka na ba sakanya?"
"Oo nga pala..wala pa eh.Tara tulungan mo ako sa mall hahanap ako."sabi ko tapos sumakay nakami sa kotse ko at umalis na papuntang mall.
"Dude may nagtext sayo."sabi ni Heaven.
Kinuha ko yung phone ko at tinignan to tapos tinapon ko yung phone ko sa likurang upuan.
"Sino yun?"
"Si Louisse.Ang kulit e pilit itinatanong kung ano ang susuotin ko para daw pareho kami."irita kong sabi.
Natawa nanaman ang gagong to.Ginawa akong clown nang loko."Di ba dapat masaya ka?Matakot ka kapag bigla syang nanlamig sayo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya,"Anong ibig mong sabihin?"
"Dude, may stealer diba? Yung isa pang Louisse? Diba he's Stealing the Bastard's Girlfriend?!"tapos natawa sya.
Hininto ko yung sasakyan,"Baba."
"Dude naman!Joke lang!Joke lang!"sabang tinatapik nya yung shoulder ko.
"Tanungin nga kita,kanino kaba kampi?Sa bastard o sa stealer?"
"Sa girlfriend."sagot nya sabay pakita nya nang isang ngiti.
"Pagbilang ko nang tatlo pagdi kapa bumaba,ako ang mamumwersa sayo para bumaba ka."pagbabanta ko.
"Dude naman e.."tapos bumaba sya nang sasakyan.
Binaba ko yung bintana at tinignan sya,"Maglakad ka!"
"Dude,biro lang naman e."
"Tss."sabi ko tapos umalis nako. Tinignan ko sya sa may side mirror at nakita ko siyang parang bata na nagtatantrums.
Nang makarating nako sa mall agad akong dumatetso sa jewelry shop,"Yung necklace na may diamond."sabay turo ko dun sa necklace. Kinuha yun nang babae at binili ko na.
Pagdating kay Seulgi,napakagalante kong tao.Gusto ko kasi nabibigay ko lahat yung mga bagay na maganda sa paningin nya.
Umalis ako nang store at naglakad lakad muna.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Teen FictionEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...