Chapter 11:Collide

247 8 3
                                    

-11-

"Oh mga chocolates nyo."sabay tapon ni Kristen sa mesa nang mga chocolates na Meiji na halatang galing Japan.


"Masakit ba ang loob mo?"pang-aasar ni Janecel.


Inirapan lang sya ni Kristen na umagang umaga eh mukhang bwisit na bwisit.

"First day mo ba Kristen?"tapos tumawa kaming tatlo.

"Whatever."sabay snob lang samin.

Alam namin na ganyan sya dahil dumating ang nanay nya kahapon.Kahit walang nang inform sakin na umuwi na nanay nya eh alam ko kaagad dahil sa inaasal nya. Lagi syang may sumpong kapag andyan ang nanay nya kumbaga badtrip sya lagi.

Tig-isa isa kaming kumuha nang chocolates at kinain to. Nasa may canteen ulit kami,naliban sa classroom ito lang ang part nang school na lagi naming pinupuntahan,ay maliban pala kay Elise na pumunta sa parking para manigarilyo. Saming apat sya lang ang may bisyo,inom at yosi ang pampawala nya nang stress.(Including ang pagiging Starlight niya^^)

"Guys,parking lang ako."sabi nya samin. Nag-nod lang kami dahil alam namin na nastress na sya dahil malapit na ang pasahan nang major plate tapos sumasabay pa sa problema nya ang anak ni Kit. Matagal na nyang nabanggit sakin na may anak ang boyfriend nya at syempre konting advice lang ang binigay ko dahil sa huli sya din ang magdedesisyon.

"Elise!Sama ako!"sabay tayo ni Kristen.


"Magyoyosi kadin?"sabi ni Janecel.

"Gunggong!Hindi no!"sabay pameywang ni Kristen.

"Sige na alis na kayo para mawala ang kabadtripan ni Kristen!"sabi ko naman.


At umalis na nga sila. Naiwan kami ni Janecel dito kasama ang mga chocolates na binigay ni Kristen.

"Oy Eunnah,may di ka kinukwento!"sabay taas nang isang kilay ni Jane.


Nagsalubong naman sa gitna ang kilay ko,"Ano naman?"

"Sus!Kungwari kapa!Wala naman si Eric kaya ok lang yan!Ano may nangyari?!"sabay lipat nya sa tabi ko.


Isang malakas na palo sa may kaliwang braso nya ang isinagot ko"Sira ulo!"


"Aray naman!"sabay himas nya sa braso nya."Nagtatanong lang eh!"

"Kung ano ano ang iniisip mo!!"sabay palo ko ulit sana sakanya pero nakaiwas sya.

"Oy Eunnah mukha kang guilty!Kwento na kasi!"sabay puppy eyes nya.


"Haaay.Bakit ba ang kulit mo?!Wala ngang nangyari,nakikain,nakipagkwentuhan ng konti at nakitulog lang ako no!"

"Yun nakitulog ka!Magkatabi ba kayo?"sabay ngiti nya.


"Please Jane di pa maluwang ang turnilyo nang utak ko para makitabing matulog sakanya."sabay smirk ko.

"Psh.Ikaw lang ata ang di nakakaappreciate sa kagwapuhan ni Matthew. Tignan mo matalino sya,mayaman tapos gwapo pa!Ano pang hahanapin mo?Palibhasa kasi walang ibang lalaki dyan sa utak mo kung di si Eric."


"Oy pati ang Vixx ah!"


"Ok pati na Vixx. Pero ano nga?Ano nga nangyari?"pangungulit nya.

Stealing the Bastard's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon