Chapter 25:Light

159 5 0
                                    


-25-


"Rique.."tapos dahan dahan kong binuksan yung pinto nang bahay nya.

Nang kakita nya sakin e agad nya akong niyakap.Gumising ako nang maaga para mapuntahan si Eric sa bahay nya bago ako pumasok nang school.

"Louisse,ok ka lang ba?San kaba nagpunta kahapon?Nag-alala ako nang sobra."sabi nya habang pahigpit nang pahigpit ang yakap niya.

"Rique,wait,di ako makahinga."

Nirelease nya ang pagkakayakap sakin,"Ay sorry.Sobra kasi akong nag-alala sayo.Di ko alam ang gagawin ko kahapon dahil di kita matawagan at di ka din nagrereply.Ano bang nangyari?"tapos hinawakan nya ang kamay ko.

"Ah eh Rique,bigla kasi akong tinawagan ni Elise sabi nya emergency daw yun kaya nagmadali akong pumunta at di nakita natawagan."pagdadahilan ko.Kapag nalaman nya na si retards ang kasama ko kahapon sigurado magwawala nanaman sya sa galit.

"Ah ganon ba?Akala ko may nangyari na sayo.Wag mo nang uulitin yun ah. Atleast magpaalam ka sa susunod.Ok?"tapos ngumiti sya.

"Ok."tapos ngumiti ako."Sorry ulit ah."

Hinawi nya ang buhok ko at ngumiti,"Ok lang yon."

Pagkatapos naming makapagusap e nagbihis na sya at sabay kaming pumunta nang school. Kababa namin nang kotse nya eh agad nyang hinawakan ang kamay ko. Napangiti tuloy ang puso ko sa ginawa nya. Haha

Hinatid nya ako sa may classroom at bago nya ako iniwan e hinalikan nya muna ako sa may forehead. Super complete na talaga ang araw ko kahit nang uumpisa palang to.

"Ouch!"sabi ko sabay hawak ko sa ulo ko.Humarap ako at nakita ko si retards na hawak ang T-square nya na pinangpukpok sa ulo."What?!"

"Usap tayo mamaya."boring nyang sabi dahil mukhang inaantok ang mata nya.

"K.fine."sagot ko tapos umupo nako. "Ouch!"sabi ko nang may pumalo nanaman sa ulo ko nang T-square. Tumingin ako kay retards na syang pumalo ulit sa ulo ko."What again?"

"Bili mo ako nang blueberry cheesecake."sabi niya.

"What?!"

"Yun na ang last na hiling ko pagkatapos non wala na talaga.You're free."

Niroll ko yung eyes ko,"Fine.Mamaya na kita bibilhan,oras na."

"Oookeeeyyy.."sabi niya tapos hiniga nya yung ulo nya sa desk.

"Tch."sabi ko tapos kinuha ko na yung Trigo book ko.

Ilang minuto pa e dumating na yung prof namin at nagdiscuss nang kung ano ano na pang outer space at di ko maintindihan. Alien ata tong prof namin e!Kung ano ano ang pinagsasabi nang leche-.-

Napatingin ako kay retards na kasalukuyang natutulog na tulo laway pa.Kinuha ko yung phone ko at pinicturan sya.Kadiri kaya sya!Basang basa na yung book nya nang laway nya.Haha

"Mr.Reyes!Pweding pakisolve ang problem?"sabi nung prof namin.

Hindi nagrespond si retards kaya kinuha ko yung T-square ko at sinundot sya.Nagising sya sa ginawa ko at pinunas nya yung laway nya.Yuck lang!Kung classmate lang namin si maarteng Sageng nayon sigurado diring diri na sya sa pinsan nya.Hahaha

Inulit nang prof namin ang sinabi nya sa tonong iritang irita na. Tumayo si retards at tinignan ang problem sa board. "assfhksjldhls258."sagot nya yan.Di ko kasi maintindihan ang pinagsasabi nya kaya yan nalang din ang sinulat ng author.Hahaha

Pagkatapos nyang sumagot e natulog ulit sya.Tumingin ako sa board at nagulat ako dahil tama ang sagot nya. Fudge!Ang talino talaga nang retarded nato!Kahit di sya nakikinig e nasagot parin nya yung problem,the fact na tinignan nya lang yung problem then di man sya gumamit nang calcu e nasagot na nya yon.Amazing talaga!!

Stealing the Bastard's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon