-20-
-Eric's POV-
"Kris,itigil mo nalang kaya ang plano mo?"then binigyan niya ako nang backhug.
After that event,inuwi ko na muna si Seulgi para makapagpahinga na siya. Pag kauwi namin sa condo niya e hindi niya muna ako pinaalis dahil natatakot siya sa maaaring kong gawin. Hindi ko inaasahan na makikita ko sina Louisse sa event nayon.Naalala ko nalang ang lahat na niyaya pala niya ako noong huli na.
Sa mga oras na to wala pa akong plano kung paano sosolusyunan ang problema na ito dahil hindi ko akalain na ganito kaaga magkikita sina Seulgi at Louisse.
Inalis ko ang pagkakaback hug ni Seulgi at hinawakan ko ang pareho niyang kamay at hinalikan to,"Kahit gusto ko nang tumigil,hindi ko magawa.Alam mo naman ang dahilan diba?"
"Hindi ka ba sasaya kung mabubuhay tayo nang tayong dalawa lang?At si tita. Kris,magmigrate nalang tayo sa Korea.Kalimutan mo na lang ang sakit na dulot nang kahapon."
Binitawan ko ang kamay niya at tumalikod sakanya,"Seulgi,pag-aawayan nanaman ba natin ulit ang tungkol dito?"tapos humarap ulit ako sakanya,"Diba nag-usap na tayo dati?"
"Kris naman eh,ayoko lang na sa huli e masaktan kadin sa ginagawa mo and look at the situation.Paano mo masosolve ang problemang to?Anong sasabihin mo kay Louisse?At paano kung di siya maniwala?"tapos umupo siya sa edge nang kama niya.
"Ako nang bahala duon.Magtiwala kalang sakin ok?"then lumapit ako sakanya,"Ang kailangan ko lang ngayon ang pagmamahal mo at ang suporta mo."sabay halik ko sa noo niya.
***
"Kailangan kong makaisip nang paraan."habang pabalik balik ako sa paglalakad.
"Dude!Tigilan mo nga yang ginagawa mo!Ako ang nahihilo sayo eh!"pagrereklamo ni Heaven.
Tulad nang dati,andito ako sa bar kung saan kami tumutugtog. Hindi ako pweding pumunta kina Louisse at kausapin sya nang personal dahil baka makita ako nang tatay niya,delikado na. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag at text ko. Sa school naman,iniiwasan niya ako okaya naman hindi ako hinahayaang lumapit sakanya nang mga kaibigan niya.
Nahihirapan na talaga ako kung paano ko i-sosolve ang problemang to.
"Ano bang nangyari?Bakit hindi ka mapakali?"tanong ni Teekei habang nililinis ang bass guitar niya.
Tumigil ako sa paglalakad at umupo sa may harapan nila,"Nakita kami ni Louisse na magkasama ni Seulgi."
"Ano?!"sabay nilang sabi.
"Hala paano na niyan?Tyaka anong nangyari katapos?"usisa ni Heaven.
"Natural nagalit si Louisse!Di ko talaga expect ang pangyayaring yon!"inis na inis kong sabi.Narinig kong natawa si Teekei kaya tinignan ko siya nang masama."Bakit ka tumatawa?"
"Nakakatawa kaya ang mukha mo!Alam mo dude,sa tagal na kitang kakilala ngayon lang kita nakitang namublema nang ganyan!"habang pinipigilan parin niya ang pagtawa niya.
"Tch.Namumublema na nga ako nakuha mo pa akong tawanan.Tulungan niyo na nga lang ako."
Tumayo si Heaven at nagcross-arms,"Pinasok mo ang problema na yan kaya dapat alam mong lusutan."tapos nang smirk siya,"Diba magaling ka sa pagsisinungaling?Napaniwala mo nga si Louisse na mahal mo siya eh."
Pumorma ako na para bang babatukan siya kaya kaagad siyang nagtago sa ulit sa likod ni Teekei,"Ikaw talaga Heaven!Di maaasahan yang bibig mo no!"sabay roll nang eyes ko.
"Totoo naman eh!"pasaring nya."Magsinungaling ka nalang.Magpalusot ka.Diba sabi mo nga dati bulag na bulag sa pagmamahal sayo si Louisse,kaya nakakasigurado akong maniniwala yon sayo."
"Hindi ko alam kung tinutulungan mo ba ako o ano.Kainis."sabay tingin ko sakanya nang masama.
"Teka,di naman kilala ni Louisse si Seulgi diba?"biglang tanong ni Teekei.Nagnod ako sa tinanong niya,"Bakit di ka nalang gumawa nang kwento ,since di naman niya kakilala si Seulgi e malay mo tama si Heaven at maniwala sayo si Louisse."
Nangiti ako sa sinabi ni Teekei at lumapit ako sakanya,"Maasahan ka talaga Teekei."sabay highfive namin.
Lumabas si Heaven sa likod ni Teekei,"AKO DIN NAMAN AH!AKO KAYANG NAGSUGGEST NON!BAKIT SI TEEKEI LANG ANG PINAKINGGAN MO?!"
"Dahil di maasahan ang mga sinasabi mo.Sige nga,ilang beses kanang nahuli nang girlfriend mo na nambababae?Nalusutan mo ba?Hindi diba?Kaya manahimik ka."tapos nagpout si Heaven na parang bata.
"Nagsusuggest lang naman eh.Tara na nga tumugtog nalang tayo."malungkot niyang sabi.
Napatawa nalang si Teekei sa pagmumukha ni Heaven,"Kayo talagang dalawa!Ay naku!"
***
Kapag di ka pumunta sa bahay.Magpapakamatay ako.
Message Sent.
Wala na akong ibang maisip na paraan para mapapunta sya sa lugar ko. Ginulo ko ang lahat nang bagay sa bahay ko para magmukhang naging miserable ako simula nang hindi niya ako kausapin.Binuksan ko din ang gate at pinto para lalo siyang mag-alala. Kilala ko si Louisse,kahit may galit siya sa isang tao,dahil may mabait syang kalooban eh maaawa at maawa parin siya sakanya.
Pumasok ako sa kwarto at umupo sa kama at duon ko siya hinintay. At di ako nabigo ,dahil narinig ko na ang boses niya na tumatawag sa pangalan ko hangga sa matunton niya ako sa kwarto.
"Eric!"sabi niya.
Tumayo ako at lumapit ako sakanya sabay yakap nang napakahigpit,"Louisse..akala ko di ka pupunta.Akala ko di mo na ako mahal..akala ko.."
"Sshh.Wag kanang magsalita."sabi niya.Ramdam ko sa tono nang pagsasalita niya na nag-aalala siya nang sobra.Ang galing nang plano ko,kumagat siya.
Pinaupo niya ako sa may sofa at pinagkuha niya ako nang tubig.Kaagad akong humingi nang sorry sakanya at kagaya nang ineexpect ko e manghihingi din siya nang tawad dahil tumalikod siya sa problema namin.
Sinimulan ko nang magpaliwanag sakanya at ipinakita ko na totoo ang mga sinasabi ko para maniwala siya. Tama ang mga kaibigan ko,naniwala si Louisse sa mga kasinungalingan na sinabi ko.
Naluha din siya dahil nakita niya na nangingilid na ang luha ko at konti nalang eh mapapaiyak na ako.Mahirap ang ginagawa ko,buti nalang e natuto akong umarte alang alang sa paghihiganti ko.
Pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki nang kamay ko,"Louisse,ganyan din ang naramdaman ko.Tinakot ako ni Seulgi,ang sabi niya kapag daw hindi ako pumayag na maging boyfriend niya.She will kill herself."
I'm sorry Seulgi,I'm so sorry.Kailangan ko talagang gawin to alang alang sa Mama ko.Pinapangako ko pagkatapos nito,mabubuhay tayo nang masaya sa ibang lugar.
Napatakip si Louisse nang kanyang bibig gamit ang kaliwang kamay niya."Rique,sorry..Di ko alam yan.Bakit kasi hindi mo sinabi sakin."
Naiyak na ako nang tuluyan para lalo pa siyang maniwala,"Ayoko kasing madamay kapa sa problema ko.Ayoko na may pangamba ka lagi sa relasyon natin at isipin mo na may kahati ka sakin.Natakot ako Louisse,natakot ako na iwan mo ako."sabay hawak ko sa kamay niya.
Niyakap niya ako nang napakahigpit,"Wag kang mag-isip nang ganyan.Naiintindihan ko na,for the sake sa kaligtasan nang buhay nang babaeng yon,you choose to be her slave.Sorry kung ikaw nagsasakripisyo ka at nahihirapan, naging selfish ako at di ko pinakinggan ang paliwanag mo."
I never thought na ganito ka kadaling papaniwalain Eunnah Louisse Samson. Salamat sayo at maipagpapatuloy ko ang mga plano ko.
[A/N:Grabe!Best actor talaga si Eric Kristoffer Manalili!Pang-famas ang acting niya!Wowowot!Gigil na gigil nadin ba kayo kay Eric?Well like nyo muna the fb page : https://www.facebook.com/stealingthebastardsgirlfriend for more updates]
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Teen FictionEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...