Chapter 51:Elise

115 3 1
                                    

-51-

"Kuya Yohhhh!!!!!"sabay takbo ko sakanya.

Niyakap nya ako nang sobrang higpit,"What happened Insan?Bakit ka umiiyak?"Di ako makasagot sa tinatanong nya dahil iyak lang ako nang iyak."Okaay,sumakay kana sa kotse at iuuwi na muna kita sa unit ko."malumanay nyang sabi sabay nang pagbukas nya nang pinto sa may passenger seat.

Hinayaan nya lang ako umiyak nang umiyak habang patuloy syang nagmamaneho. Nang makarating nakami sa condo unit nya,kaagad nyang inenter ang passcode at sumalubong samin si Kuya Gihoo. Kakita ko kay Kuya Gihoo,niyakap ko sya nang sobrang higpit at umiyak sa may chest nya dahil medyo mas matanggad sya sakin."Anong nangyari Euns?"tanong nya habang patuloy na hinahagod ang likod ko.

"Kuya Gihoo...si..si..Eric..."bawat salita na lumalabas sa bibig ko e hirap na hirap kong sabihin.

"Eric?Yung boyfriend mo?"tanong nya.Inalis nya ang pagkakayakap sakin at hinawakan ang kamay ko.Ginuide nya ako hangga sa makaupo sa sofa.Binigyan naman ako nang maiinom ni Kuya Yoh at tumabi sakin.

Nagnod ako kay Kuya Gihoo tapos tumingin naman ako kay Kuya Yoh,"Kuya,naaalala mo pa ba yung step brother ko?"

Napaisip bigla si Kuya Yoh,"Yung anak sa labas ni Tito Kris?O anong nangyari?"

Hindi ko pa nasabi sakanya ang gusto kong sabihin e sabay sabay nanaman tumulo ang luha ko,"Si Eric yon kuya...si Eric ang kapatid ko!"

"What?!P-paano nangyari yon?"tanong nya sabay nang pagakbay nya saakin.

"He planned everything.Alam ni Eric na magkapatid kami at ginamit niya ako para makapaghiganti kay Paps for abandoning him!"hinila ako ni Kuya Yoh para yakapin,"Kuya,anong ginawa kong mali?!Naging honest ako sakanya at minahal ko sya nang buong buo,tapos malalaman ko na he's my brother at ginagamit lang nya ako to seek revenge?! Ayoko na Kuya Yoh! I just wanna die now!"

"Tama na Euns,wag ka nang umiyak.."pagpapatahan sakin ni Kuya Gihoo.Naramdaman ko na hinawakan nya ang kamay ko.

"Kuya,nagpropose na sya sakin at tinanggap ko yon kase mahal na mahal ko talaga sya.Kuya,di ko na alam kung paano pa ako magsisimula..."

"Tutulungan ka namin ni Gihoo na magsimula ulit.Di ka namin iiwan.Bukas na bukas din pupuntahan natin si Kuya Mikan mo sa Japan para makahinga ka naman sa mga nangyari.Ang mabuti pa e magpahinga ka na muna ok?"sabi ni Kuya Yoh kasabay nang pagtulong nya sakin sa pagtayo.

Hinatid nila akong dalawa hangga sa loob nang room nila.Umupo ako sa may edge nang kama,"Euns,pangkukuha lang kita nang damit na pwede mong pang palit ah."sabi ni Kuya Gihoo.Nag-nod ako at pilit na ngumiti.Lumabas sya nang kwarto at naiwan kami ni Kuya Yoh sa loob.

Nagsquat sya at hinawakan ang dalawa kong kamay,"Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan nyo ni Eric at hindi ko alam kung gaano ka nasasaktan ngayon,pero ang masasabi ko lang,sige umiyak ka nang umiyak hangga sa gusto mo,basta dapat lahat nang yon ay maiiwan ngayong gabi at bukas maguumpisa ka nang panibago."tapos pinunasan nya ang luha ko sa may pisngi. Tumayo sya at lumabas na nang kwarto.

Di ko talaga mapigilan ang di maiyak.I just wanna die tonight para mawala na ang sakit na nararamdaman ko.Feeling ko I just made a huge mistake on my life. Is this the beginning of my miserable life?

Umusog ako sa kama para makahiga.I flip to the right side of the bed at saktong nakita ko sa tabi nang lampshade and picture nina Kuya Gihoo at Kuya Yoh.Since highschool sila na tapos ngayong nagtatrabaho na sila,they are living happily together.Yes,I know it is weird and it is against the society,but who cares,they both love each other that's why they should be together. Pero,paano kami ni Eric?Magkapatid kami at nagmahalan kami--I mean minahal ko sya dahil di ko naman alam na kapatid ko sya,dapat ba akong parusahan?Sa kaso namin,kahit saan mo anggulong tignan hindi talaga kami pwedi. "Ano bang pinagsasabi mo Eunnah,ikaw lang ang nagmahal kay Eric,ginamit ka lang nya at niloko.He never loved you."as I says to myself with a pathetic smile on my face.

Stealing the Bastard's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon