-48-
-Eric's POV-
To: Kang Seulgi
Maghiwalay na tayo. I'm really sorry,Seulgi.
Message Sent.
Ibinulsa ko na ulit ang phone ko pagkatapos ko syang i-text. Ibinuhos ko ang alak sa baso ko,tinitigan ko lang ito,pinagmamasdan.
Ilang minuto pa e may humawak sa balikat ko,"Eric." Lumingon ako at nakita ko ang masayahing mukha ni Heaven at ang laging seryosong mukha ni Teekei.
Umupo sila sa magkabila ko,"Kanina ka pa ba umiinom?"tanong ni Teekei pagkatapos magorder din nang alak.
Umiling ako,"Halos kakarating ko lang."sagot ko.
"Dude,anong problema?"tanong naman ni Heaven."Tumawag sakin si Seulgi,mukhang natataranta sya sa boses nya.Ano bang nangyari?"tapos naglagay sya nang alak sa baso nya.
Ilang segundo ang lumipas bago ako sumagot dahil hindi ko alam kung paano ko uumpisahan sabihin sa kanila ang mga bagay bagay. "Nakipaghiwalay nako kay Seulgi.Pare,hindi ko na kaya..."
Naramdaman ko ang paghagod ni Heaven sa likod ko nang mapansin nya na nangingilid na ang luha sa mga mata ko.Kung hindi dahil sa nanay ko hindi ako iiyak nang sobra pero ngayon hindi dahil sakanya ang pagtulo nang luha ko kung hindi dahil sa babaeng minamahal ko.
"Eric,mahal na mahal mo na sya diba?."sabi ni Teekei na hindi man lang tumingin sakin.
Sabay sabay ang pagtulo nang luha ko,"Mahal na mahal ko na si Louisse.Di ko na kayang mabuhay na wala sya.Gusto ko bawat minuto o segundo kasama ko sya.Gusto ko laging nakikita ang ngiti niya na para lang sakin."huminto muna ako para punasan ang luha ko."Bakit ganito?Bakit nauwi sa ganito ang mga plano ko?Dapat sya ang sasaktan ko pero bakit ako ang sobrang nasasaktan??"
"Eric..."narinig kong sabi ni Heaven na patuloy ang pagtapik sa likod ko,"Alam namin ni Teekei na sobrang sakit nang pinagdadaanan mo,pero dude alam mo na mali yan at kahit gaano mo pa kamahal si Louisse,hindi kayo pwede at kahit kailan hinding hindi kayo pweding magsama."
"Alam ko....ang sakit sakit....feeling ko diko kakayanin ang ganito.."bawat salita e hirap na hirap ko itong sabihin.
Bakit kasi sa lahat nang tao sa mundo sya pa ang naging kapatid ko?Bakit hindi ko sya pweding mahalin?"Itutuloy mo parin ba ang engagement nyo bukas?"tanong ni Teekei.
Pinunasan ko ulit ang luha ko gamit ang likod nang kamay ko,"Oo,itutuloy ko.Hanggat kaya kong itago na magkapatid kami,itatago ko makasama ko lang sya.Alam ko iniisip nyo na nababaliw nako,siguro nga baliw na ako pero anong magagawa ko yun lang ang naisip kong paraan para magkasama kami hindi bilang magkapatid."
"Dude!Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"tapos nagsmirk si Heaven."Eric,kahit baligtarin mo pa ang mundo,malalaman at malalaman parin ni Louisse na ang fiancé nya ay kapatid nya.Eric,lalo lang syang masasaktan.Dude ito na ang consequence nang panloloko mo sakanya."
"Tama si Heaven,Eric.Siguro nga after nang engagement nyo makakasama mo sya pero hanggang kailan?Hindi pweding hangga hangga itatago mo ang totoo sakanya at isa pa,sapalagay mo kapag nalaman to nang tatay nyong dalawa at ang mama nya,e hahayaan nila kayong magsama?Hindi diba?"
"Yun na nga Teekei eh!Kapag nalaman nang Mama nya na ako ang bastardo nang asawa nya,ilalayo nila ako kay Louisse at kahit kailan hinding hindi nila ako matatanggap.Hindi ko kaya Teekei,hindi ko kaya kapag nakipaghiwalay sakin si Louisse."maluha luha kong sagot na may halong inis at galit.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Teen FictionEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...