-45-
-Yam's POV-
"Anong iniisip mo?"sabay hinto ni Adam sa paglalakad.
Napahinto din ako sabay tingin ko sakanya,"H-ha?"
"Kanina pa ako nagsasalita tapos ikaw mukhang di ka man nakikinig.Ano bang problema?"tanong nya.
Bumuntong hininga ako,"Bigla ko nalang kasi naiisip yung nangyari kagabi."tapos tumigil ako saglit,"Di ko alam basta naguguilty ako...lalo na nang nahimatay si Eunnah dahil sa bugbog nya."
Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko,"Yam,wag mo na yong isipin,bago mo pa makilala si Alain,may hidwaan na sila ni Charles at nadamay lang kayo.And tapos na yon,hindi na nya tayo guguluhin."tapos hinila nya ako at niyakap.
Hindi ko talaga maiwasan na isipin na may kasalanan ako sa nangyari lalo nang inuwi nilang walang malay si Eunnah kagabi. Feeling ko kasi may kinalaman ako sa nangyari pero dahil sa sinabi ni Adam naisip ko na biktima din ako sa nangyari,di man physical pero emotional.
Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sakin.Nagsimula na kaming maglakad at pumunta sa sa may bookstore.Bibili kasi kami nang gamit na pang paint. Pagkatapos naming bumili e naglakad ulit kami tapos umupo saglit sa may bench para magpahinga.
"Wait lang ah."sabi nya.
Nag nod ako at umalis na sya.Ilang minuto pa eh bumalik na sya na may hawak na sundae.
"Oh."sabay bigay sakin nang isang ice cream.
Ngumiti ako at kinuha to,"Salamat."
"Yam,pweding magtanong?"
"Sige.."sabay kain ko.
"Hmm..kailan mo naramdaman na gusto mo ako?"tapos ngumiti sya.
"Ha??"sabi ko tapos napangiti din ako,"Bakit mo naman tinatanong?"
"Wala lang,gusto ko lang malaman.."sabay kain nya nang ice cream pero nalagyan ang labi nya.
Natawa ako nang makita ito,"Ikaw muna Adam..kailan mo naradaman na gusto mo ako?"
Nagisip muna sya bago sumagot,"Matagal na kitang gusto.Ang manhid mo kasi kaya di mo naramdaman tyaka kung san san kapa tumitingin eh andito lang naman ako."
"Totoo?Matagal na?Wait...wag mong sabihin na nung kumain kami ni Alain sa shop nyo kaya ka masungit dahil..."
"Oo,dahil nagseselos ako.Sobrang saya mo kasi nang kasama mo sya."
"Ahhh..ganon ka pala magselos."tapos tumawa ako."Adam."sabi ko.Lumapit ako at hinalikan ang labi nyang may ice cream,"Yan magseselos kapa?"sabay ngiti ko.
****
-Eunnah's POV-
"Rique..."sabi ko nang makita ko syang nakaupo sa tabi ko at nakahiga ang ulo nya sa may kama.
Nalingat sya sa pagkakatulog,"Louisse,gising kana pala..Ok ka na ba?May masakit ba sayo?"
Umiling ako at ngumiti,"Ok na ako..Ah,Rique..hawak mo yan magdamag?"sabay tingin ko sa kamay namin.
Nakahawak kasi ang kamay nya sa kamay ko na napakahigpit kaya natanong."Oo.."sagot nya.
"Ah~ teka lang pala,nasan ba tayo?"
"Nasa bahay kita.Dito ka namin dinaretso nang mahimatay ka kagabi."tapos lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko,"Tinawagan ko ang tatay ni Heaven since doktor sya at sya ang tumingin sayo kagabi.Nang sinabi nya na ok ka na,nakahinga ako nang maluwag.Akala ko kung ano nang nangyari sayo."pagaalala nya.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Roman pour AdolescentsEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...