Chapter 30:Moment

154 6 0
                                    

-30-


-Sage's POV-

"Konojo,ano bang problema?Di ka ba masaya na nandito ako ngayon?"tapos binitiwan nya ang pagkakahawak sakin.

"Hindi naman sa hindi ako masaya,pero Kareshi naman.Tinakasan mo nanaman ang trabaho mo."tapos umupo sya sa may bench.

Umupo din ako sa tabi nya,"Di ko naman tinakasan ang trabaho ko Konojo eh,nagleave nga ako."

"You don't understand what I mean Sage.Sige ilang leave ang binigay sayo nang Daddy mo?"tanong nya.

"Tatlo."sagot ko naman.

"Para saan ang tatlong yon?"tanong ulit nya.

"Para kapag nagkasakit ako,sa major exams at para sa emergency."sagot ko ulit.

"See?You just wasted 1 of your leave,Sage."tapos nagbuntong hininga sya,"Wala na yung leave mo for emergency paano na nyan?"

"Pero pumayag naman si Daddy eh."

"Pumayag nga sya pero natanong mo ba kung mababawas yun sa mga leaves mo?"

Umiling ako.Bakit kasi di ko naisip ang tungkol dito?Masayado kasi akong naexcite sa party na pupuntahan namin.
Gusto ko kasi through preparation ni Kristen kasama nya ako.

Magkabaligtad kami nang pag-uugali ni Kristen,may pagkaparty-boy ako pero sya mas gusto nyang magkulong sa kwarto nya at manuod nang anime. Kaya nga nang malaman ko na pupunta sya sa party nang school nila--thanks to the incentives na ibibigay nila , e natuwa talaga ako.

"Mr.Sage Araneta,alam mo ba kung bakit pinagtrabaho ka ni Tito sa sarili nyong company?"tapos hinawakan nya ang kamay ko.

"For me to know how to handle our business in the future."sagot ko.

"Partly tama ka pero simple lang naman ang reason nya,for you to be responsible. Sage,sa trabaho mo as a janitor,hindi ka naman nyan matuturuan nang managerial skills e pero matuturuan ka nyan kung paano maging responsable at gaano kahirap pagtrabahuhan ang pera."as she calmly explains to me.

"Fine.I understand now.Sorry for not thinking well."tapos ngumiti ako.

Niyakap nya ako nang mahigpit,"I want you to know na super proud ako sayo."

Napangiti ako sa sinabi nya at niyakap ko din sya nang sobrang higpit,"Thank you,i love you Konojo."

"I love you too Kareshi."tapos pareho kaming napangiti.

I release her hug tapos tumayo nako,"I think I should go back to work."sabi ko.

Nagnod sya sakin at ngumiti,"Sige.Sabihin mo sa Daddy mo na binabawi mo na yung leave mo for today.Sige na,para mahabol mo pa ang working hours mo."

"Ok."tapos hinalikan ko yung forehead nya at umalis na ako.

Pagdating ko sa mall e dumaretso nako sa papunta sa may maintenance room pero,"Anong nangyayari dito??"tanong ko sa sarili ko. Ang dami kasi nang tao tapos puro babae lahat.

Nakita ko na gumagapang yung kasama kong janitor kaya hinila ko sya para makawala sa dami ng tao,"Hay!Salamat Sage!"sabi ni Yul.

"Ano bang nangyayari?"tanong ko sakanya.

Hinila nya ako papalayo sa may maintanance room,"Hinahanap ka nila."sabi niya.

"Ano?Ako?Bakit naman?"tanong ko sabay turo sa sarili ko.

"Hayst!Gusto nilang papicture at yung iba gustong hingin ang number mo.Alam mo yung nangyari dati nung nagkulong ka sa CR?Ganon ang nangyayari ngayon."paliwanag nya.

Stealing the Bastard's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon