-8-
"Kpop,ikaw naman ang magkwento."sabay lapag niya nang pagkain sa harap ko.
Kasalukuyang nasa bahay parin ako ni retarded.Signal no.2 ang bagyo kayanaman hindi na talaga ako nakauwi saamin.Nakapagdesisyonan ko na dito na talaga matulog. Meron naman silang room para sa ma bisita nila at medyo malayo yon sa kwarto ni retarded kaya ok lang.Haha
"Asan muna ang CR?"tanong ko. e kasi naman parang sasabog na ang pantog ko sa sobrang ihing ihi nako.
"Secret."tapos ngumiti sya na parang naasar.
"Hoy retarded!Anong secret?!Sabihin mo na!Naiihi na talaga ako!"habang pinipigilan ko ang pag-ihi ko.
Tawang tawa sya sa mukha ko. Shit talaga ang retarded na'to sobrang saya kapag nahihirapan ako.Pft.
"Bibigyan kita nang clue.Pasukan mo ang pinakusan ko kanina at makikita mo ang daan."tapos tumawa sya nang malakas.
Kaagad akong tumakbo kung san sya pumasok kanina at pagkapasok ko.Shit!Akala ko CR na pero di pala,may tatlong pintuan,dalawa sa left isa sa right. Ano to?Kwarto para sa mga pintuan??!!Para na talaga akong mababaliw! "I HATE YOU RETARDED!!!"sigaw ko para marinig niya.
"I HATE YOU TOO KPOP!Maihi ka sana!"pagsagot naman niya.
Ang sama talaga nang ugali nang retarded nato!Bakit pa ba ako nagpakita nang sympathy kanina sakanya!Nandidiri tuloy ako dahil niyakap ko pa siya!
Isa isa kong binuksan ang mga pinto,inuna ko yung sa right since nag-iisa lang sya,nang kabukas ko eh parang tumulo ang laway ko sa nakita ko.Parang isang toy museum ang kwartong 'yon. Yung Toy Museum ni Yexel Sebastian parang pinagkasya sa napakalaking kwartong to. Kung sa kwarto niya,nga nga nako sa nakita ko tulo laway na talaga sa kwartong to.Di ko akalain na super hilig nya sa anime!From life size standees nang Shohoku to the life size action figure nang Kuroko no Basuke.Meron din syang Attack on Titans,Ghost Fighter,One Piece at lahat nang ninja sa Naruto!
Super dami talaga nang collections niya.May mga gumagalaw na laruan at may tren na umiikot sa buong kwarto,kung di kolang nakita na paparating eh baka nasagasaan na paa ko.Haha
Dahil naamaze ako nakalimutan ko na naiihi na talaga ako.Lumabas ako nang kwarto at binuksan yung unang kwarto sa left and luckily yun na ang CR!Pero bago akong tuluyang makaihi eh,na nga nga nanaman ako sa CR nila. Yung size nang buong bahay namin parang CR lang nila!
"Asaaaan ba yung toilet bowl!!"inis na inis kong sabi. May mga parang cubicle kasi sa loob parang sa mall pero di toilet bowl ang nasa loob nang bawat cubicle.Yung una eh shower,pangalawa bath tub,pangatlo jacuzzi,pangapat eh kung san yung mga gamit like towels and etc at sa wakas kabukas ko nang pinto nakita ko na yung bowl!Salamat naman at makakihi nako pagkatapos nang napakahaba at nakakahangang paglalakbay!
Nang nakaihi nako para akong nanalo sa lotto!Maliban sa sarap nang pakiramdam kapag natapos na ang exam at pag nalaman mong pumasa ka eh ang paglabas nang ihi kapag ihing ihi kana ang isa sa mga pinakathebest na feeling!Bwahaha.Ano bang pinagsasabi ko!haha
Finlush ko nato at lumabas na nang CR as in di lang duon sa cubicle na yon!Naisip nyo na siguro kung gaano talaga kalaki ang CR nila. Kalabas ko,pinagmasdan ko yung pinto nung isa pang kwarto.Nacurious ako at binuksan ko ito.
Hindi to tulad nang ibang kwarto na parang abnormal.Ito walang gaanong laman.White lang ang halos nakikita ko dahil sa pintura at kurtina nito.Pumasok ako at pinagmasdan ang loob. Nakita ko yung isang picture frame na nahulog sa sahig. Pinulot ako ito at nakita ko ang isang imahe nang isang buong pamilya.I guess sya to at ang parents nya. Foreigner yung babae at Filipino naman ang lalake.Now alam ko na kung bakit brown eyes si retarded at parang may halo syang ibang lahi. Hinayaan nya lang ang picture na to na mabasag at maalikabukan sa kwartong 'to.Inilagay ko nang maayos photo frame sa may table. Tapos may napansin akong parang jewelry box sa tabi nang may lampshade.Kinuha ko ito at dahang dahang binuksan.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Novela JuvenilEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...