Chapter 5:Glamour

252 10 0
                                    

-5-

-Eric's Pov-


"Ano kumagat?"tanong ni Teekei.


Kumuha ako nang isang stick nang yosi na nasa mesa. Sinindihan ko muna ito bago sya sagutin,"Saya nga nya eh."


Natawa nalang nang bigla si Teekei. Sya si Teekei Ahn,kabarkada ko sya.Same school ang pinasukan namin noong highschool pero ngayon magkaibang university ang pinapasukan namin.


"Grabe ka talaga Eric Kristoffer Manalili!"nang marinig naming magsalita sa likod namin.

Sabay lingon kami ni Teekei at nakita namin ang isa naming kabarkada,si Heaven Lucero. Lumapit sya samin at nakipaghighfive.Kumuha din sya nang sigarilyo at nagyosi katabi ko. Kabanda ko din sila,kaming tatlo nagkakilakila dahil sa iisang tao,si Nell Robbins.


"Hanggang kailan mo ba balak itago ang lahat?"tapos sabay hithit nang sigarilyo ni Heaven.


Tumawa nanaman si Teekei,"Ang tatag nya no."tapos tawanan ulit.


"Tch.Mga walang magawa."sabi ko naman.


"Paano naman kase shinota mo ang kapatid mo at umabot pa kayo nang isang taon!"tapos nagtawanan ulit sila.


Si Eunnah Louisse Samson,sya ang tunay na anak nang tatay ko habang ako isang illegitimate son na kailan man hindi nya makayang akuin.



Nakakagulat diba.Hindi pa kami ni Louisse nang malaman ko na kapatid ko sya.Parents Teacher Conference nang makita ko ang walang hiya kong tatay at doon ko nalaman na kapatid ko pala si Louisse.


Bata pa ako nang iwan ako nang tatay ko.Ang sabi nang mama ko eh nasa ibang bansa daw sya pero nang maghighschool ako doon inamin nang mama ko na illegitimate son ako at mistress lang sya. Mayaman kami sobra.Lahat nang gusto ko pwedi kong makuha pero ang pagmamahal nang isang ama ang pinakaimpossible kong makuha.


Nagalit ako nang sobra dahil sa nalaman ko-galit ako sa tatay ko at sa pamilya nya.Damay damay na.Nagdurusa ang Mama ko dahil sa pamilyang yon,ni hindi nga kami naging masaya nang Mama ko dahil sa estado namin. Kaya nagdesisyon ako na gumanti,gaganti ako para sa Mama ko.


Nang malaman ko na gusto ako ni Louisse kaagad ko ginrab ang opportunity para gamitin sya.Oo,sa pamamagitan ni Louisse mararamdaman nang pamilya nang tatay ko ang pakiramdam namin nang Mama ko.
Niligawan ko sya at naging kami.Alam ko sobra sobra nya akong mahal pero pasensyahan nalang kami kailangan kong gawin ang bagay nato.


Galit ako sakanya dahil hindi man lang nya ako naisipang bisitahin at ang mama ko.Naisipan pa nga nang Mama ko na magpakamatay dahil sa pagmamahal nya sa tatay ko. Ang puso ko puno nang galit,inis,hinanakit at sama nang loob.

"Ano ba talagang plano mo?"tanong ni Teekei.

"Basta.."tapos tinapon ko na yung yosi ko."Alam nyo may asungot."


"Asungot?"tanong ni Heaven.


Tumayo ako at kinuha yung drums stick at pumwesto sa tabi nang drums ko,"Kaninang kasama ko si Louisse,may isang lalaki na nakisali samin.Iba ang nararamdaman ko,parang nanadya sya kanina para gulohin kami ni Louisse."



"Hala!May kalove triangle na kayo!"sabay tawa ni Heaven.


Binato ko sakanya ang isa sa mga stick na hawak ko pero nakaiwas sya.


"Gunggong!Di kami lovers ni Louisse."tapos tumayo ako at pinulot yung stick.



Napangisi si Heaven,"O anong tawag sainyo?Dude!Girlfriend mo parin sya at boyfriend ka nya!Ikaw lang ang may alam na half sister mo sya.Dude,nakakadiri ah,kapatid mo parin yon!"


"Tama si Heaven pare.Wag mo na kayang ituloy yang plano mo?Tutal wala namang kasalanan si Louisse eh.Di ka ba naawa?Ikaw na ang nagsabi,mahal na mahal ka nang tao at ikamamatay nya pag nawala ka."pageexplain naman ni Teekei.



"Kabarkada ko ba kayo?Bakit di nyo nalang ako suportahan?Isang taon akong nagtiis para lang masunod ang plano ko tapos nang dahil lang sa awa di ko na itutuloy?"sabay ngisi ko din.


"Kung yan talaga ang gusto mo may magagawa pa ba kami ni Heaven?Sige basta sana wala kang pagsisisihan sa huli."sabay hawak sa balikat ko ni Teekei.

Nagnod nalang ako sakanya.Kinuha ni Heaven ang guitara niya at pumunta sya sa may stage,"Nga pala,paano na si Seulgi?"

Si Kang Seulgi ang talagang girlfriend ko.Masama na kung masama,mas mahal ko si Seulgi kaysa kay Louisse. Tinanggap ko ang pagiging Kpop fan ni Louisse dahil katulad sya ni Seulgi though pure korean si Seulgi na lumaki lang dito sa Pilipinas. "Nasa Korea sya,kaya di nya malalaman.Tyaka wala naman nagbago samin ni Seulgi eh."sagot ko naman. Long distance ang relationship namin ni Seulgi.Alam niya ang tungkol sa plano ko at sa buong pagkatao ko at tanggap nya 'yon. Kasalukuyan syang nakabase sa Korea para magmodel,ok lang sakin na malayo sya para magawa ko nang maayos ang mga plano ko.

"Ibang klase ka talaga Eric!Wooh!Dalawang babae napagsasabay mo!"pang-aasar ni Heaven.

"Tch.Ang hirap kaya."sabay ngisi ko.

"Dude,di ka ba nakokonsensya sa tuwing makikita mo si Louisse at sa tuwing makakausap mo sa phone si Seulgi?"tanong naman ni Teekei na bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Tao din ako.Syempre nararamdaman ko din 'yon pero konting tiis nalang,matatapos din 'to."sagot ko.Pumwesto ulit ako sa drum set ko,"Tugtog na tayo."

***

-Eunnah's POV-

"Ano bang problema mo at lagi mo nalang akong pinapakielaman?"

Pumunta kami nang retarded nato doon sa fastfood chain sa tabi nang apartment ni Elise.Di ko alam kung ano ang gusto niya at kung bakit lagi nalang syang nanduon kung asan ako.

"Hiwalayan mo na ang boyfriend mo."daretsahan nyang sabi nang di man nahiya na sabihin 'yon.

Inirapan ko siya,"Why do I?Nababaliw kana."

"Because I said so.Kapag di pa kayo naghiwalay.."

"Ano?Anong gagawin mo?"

Tapos in a snap,hinalikan niya ako sa lips sabay may kumuha nang picture saamin. Nagulat ako.Masyadong mabilis ang pangyayari. "Kapag di mo sinunod ang mga gusto ko,ipapakita ko kay Forever ang picture nato."sabay abot sakanya nong camera sakanya nang isang teenager na mukhang kasing edad namin. Ipinakita niya sakin ang picture na magkahalikan kami.Shit!Sigurado magagalit si Rique pagnakita nya to.

Sa sobrang galit ko hindi ko napigilan na hindi sya sampalin."How dare you para halikan mo ako?!How dare you para sirain mo ang relationship namin ni Eric?!and how dare you para i blackmail mo ako?!"

Isang mapanlokong ngiti ang binigay nya sakin,"Dahil bored na ako at ikaw ang nakita ko para magpalibang sakin."

"ANO?!Retarded ka talaga!"tapos aalis na sana ako pero bigla nyang hinawakan ang braso ko.

"Tandaan mo,simula ngayon hawak na kita.Dalawa lang naman ang pagpipilian mo,ang makita to nang boyfriend mo at maghiwalay kayo nang Forever mo o sundin ang mga gusto ko?"



There's no way out.I'm trap.





[A/N:Yes.Yes.Yes. and nandito nanaman sina Nell Robbins from Promise You,Heaven Lucero from I'm Going To Meet Her and syempre si Teekei Ahn nang He's Back! Sa mga di pa nakakabasa sa mga stories nila kahit supporting roles lang sila please basahin niyo!Haha]

Stealing the Bastard's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon