-38-
-Yam's POV-
"Akong magtatanong!"sabi ni Sage habang lumalabas nang banyo.Umupo sya ulit sa tabi ni Kristen,"Sino ang taong gusto mong ligawan?Dapat yung andito lang ah.."
"Eeeiiiiiii!!"sabay sabay naming sabi.
"Ang korny mo naman Sage!"sabay batok ni Kristen sakanya.
"Pero sino nga ba?"tanong naman ni Janecel.
"Sabihin mo na.."sabi ni Sage habang ginagalaw ang kilay nya.
Hindi ko alam kung bakit sobra akong kabahan.Yung kaba na tulad nang paghihintay mo sa results nang major exam mo tapos yun nalang ang pag-asa mo kung di babagsak ka. Simula ng sinabi ni Alain na may gusto sakin si Adam,feeling ko mababaliw nako. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako o hindi. Aaminin ko na natatatakot ako na baka kapag totoo na gusto talaga ako ni Adam e mahulog din ako sakanya at yun pa ang maging dahilan para magkasira ang friendship namin.
Pero...pero...pero.. Bakit ganito?!Bakit gusto nang utak at puso ko na ang pangalan ko ang sabihin nang bibig ni Adam. Gusto ko na ako nalang ang ligawan niya.Ako nalang please,Adam..
Huminga sya nang malalim at nag-isip nang saglit...."Si..
Si Loisse Samson."
Sa pagkasabi nya sa pangalan ni Eunnah,feeling ko maging confetti na ang puso ko.Pinilit kong ngumiti kahit nasaktan ako ng sobra sa sinabi nya.
Bakit Adam?Bakit hindi nalang ako?Bakit ang may boyfriend pa ang gusto mo?
***
-Adam's POV-
"Ano Ok kalang?"sabay inom ni Sage sa beer na hawak niya.
Binuksan ko yung akin at uminom din,"Ikaw kaya ang masapak kay Eunnah,tignan ko lang kung magiging ok ka.Tss."inis na inis kong sagot.
Pagkatapos nang spin the bottle namin particularly pagkatapos kong sumagot e tinapos na namin to at nagsiuwian na silang lahat pwera samin ni Sage. Bago kami makalayo ni Sage para tumambay e hinabol ako ni Eunnah at isang malakas na sapak ang nakuha ko sakanya.
Ang sabi pa nga nya,
"Kung gusto mong magpakatorpe,magpakatorpe ka!Wag kang mandamay!Tch.Di ko alam kung anong gusto nyong palabasin!Ayusin mo to Adam."
Nanggagalaiti pa nga ang tingin nya sakin. Di na nya napakinggan ang explanation ko at umalis na sya. Tss.Kasalanan mo lahat to Matthew!Di ko alam kung anong naisipan mo at pinagawa mo pa sakin to.
Tama ang iniisip nyo,si Matthew ang may pakana nang lahat nang to. Ang sabi niya bago sya umalis e dapat daw gumawa ako nang paraan para malaman ko kung may gusto ba sakin si Yam o wala. Paano?Madali lang,papagselosin ko daw sya hangga sa mailabas nya ang tunay nyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Teen FictionEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...