-19-
-Adam's POV-
"Uhm,ano..ano bang nangyari sa inyo?Bakit ganyan ang mga mukha nyo?"tanong ko sa apat nato dahil keaga-aga ay nandito sila sa ice cream shop ko.
Bumuntong hininga si Sage at saka niya hiniga ang ulo nga sa may counter table."Dito muna ako!Wala na akong energy para umuwi pa."pagod na pagod nyang sabi.
"Ano bang nangyari?"tanong ko ulit sakanya habang patuloy ako sa pag-iinventory.
Bumuntong hininga ulit sya,"Nag-graveyard shift ako.Kakaout ko lang kaninang 7am.Feeling ko mamatay nako."kaya pala mukha syang zombie.
"Nasira na ang maganda mong mukha!"pangaasar ni Louisse.
"Hoy!Ako padin ang pinakagwapo sating lima."sabi niya.Kahit pagod na sya pagdating sa pagiging gwapo di talaga sya pagpapahuli.
"Tch."sabi ni Louisse.
"May yosi ka?"biglang tanong ni Charles.
Inabutan sya nang yosi ni Kit,"Isumbong kaya kita kay Janecel,no?"pananakot din niya.
"I don't care."sabay roll nang eyes niya.Tumingin sya sakin sabay tanong na,"May ashtray ka Adam?"
Umiling ako,"Di ako nagyoyosi."
"Tss.Napakaflowerboy naman nang image mo."sagot ni Charles sabay tayo niya."Labas lang ako."
"Sama ako!Gusto ko din magyosi eh."tapos sumunod si Kit sakanya sa labas.
"Problema nun?"tanong ko kay Louisse na nilalaro ang gatas na nirequest niya kanina.
"Nagkatampuhan ata sila ni Janecel dahil nahuli siya na ninigarilyo."tapos natawa sya bigla"Gago kase,ipinaalam niya uuwi na tapos nakita pala sya ni Janecel na nagyoyosi sa labas nang isang mall."then pinagpatuloy nya ang paglalaro sa inumin nya.
Kadiri lang-___-
"Ah.Bakit ba kasi sya nagsinungaling?"tanong ko ulit.
"Syempre tao din sya marunong magsinungaling."sabay tawa nya sa sinabi nya.
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.Minsan talaga iniisip ko kung paano ko sya naging kaibigan.
Kabaligtaran ko nangpag-uugali si Louisse.Unlike him na sobrang ineenjoy ang buhay niya--thanks to Eunnah at lagi nalang syang masaya ngayon. Ako kasi kuntento nako sa buhay ko ngayon, lalo na dumami pa ang mga kaibigan namin ni Yam.
This Ice Cream shop was from my late grandmother. Part-timer ako dito since pagmamay-ari pa ito nang ate ko.I'm currently studying fine arts sa school kung saan nag-aaral sina Louisse. Classmate ko din si Yam.Halos nga simula nursery hangga ngayong college e classmate ko sya. She's my bestfriend and my little sis. I know that I'm so lucky to have her kaya nga ayoko na magkahiwalay kami."Nga pala,di ka ba pupuntahan ni Yam?"tanong ni Sage.
Simula nung magkakilakilala kami nung kpop event eh naging close close nakaming lahat.Nalaman din namin na same school ang pinapasukan namin maliban kay Kit at Sage.Halos araw araw after nang class e dito kami sa shop dumadaretso para tumambay at magkwentuhan.
"Andyan na sya mamaya."sagot ko naman.
Everyday akong pinupuntahan ni Yam at dahil weekend ngayon sya ang magdadala nang lunch ko mamaya.
"Ang tyaga naman nya.Kung ako sakanya maghahanap nalang ako nang boyfriend at sakanya ko nalang uubusin ang oras ko."sabi ni Sage habang nakayukyok padin ang ulo sa may table.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Teen FictionEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...