Chapter 7:Fallen

226 8 0
                                    

- 7-

"Haay buti naman nakaalis na sya."sabi ko sa sarili ko nang makapunta nako sa labas nang bookstore.

"Sinong nakaalis na?"nang biglang may bumulong sa may tenga ko.

"Oh shit!"tapos lumingon ako."Bakit andito ka pa??"

Sa sobrang gulat ko nabitawan ko ang payong ko at pareho nakami ngayong naliligo sa malakas na ulan.

Ngumisi sya sakin at parang may kinuha sya sa bulsa nya,"Tanda mo pa to?"sabay pakita sakin nang printed picture namin nanaghalikan. Ayan nanaman ang pagbablackmail nya!

"O ano naman ngayon?"inis kong tanong.Kinakabahan na ako dahil una salahat di ko naman personally na kakilala ang retarded na to kaya natatakot ako na ipakita nga niya kay Eric ang picture nayon.

"Bakit mo ako pinaghintay?"habang nakaharap parin sakin yung pictures namin na naka sealable plastic pa.

"Sinabi ko naman na umuwi kana dahil kasama ko si Rique."pageexplain ko.

Ngumisi sya at binulsa ulit yung picture,"Diba ang sabi ko puntahan mo ako?Ganyan ba kaimportante ang Eric na yan?"

"Oo sya ang pinakaimportanteng tao sa mundo."sagot ko sakanya tapos lumapit ako,"Please ibigay mo sakin yung picture na yan.Ayokong maghiwalay kami ni Rique nang dahil sa picture na yan."sabay palad ko sakanya.

Bigla nyang hinawakan ang wrist ko,"Sumama ka sakin."

"Hoy retarded autistic mongoloid!San mo ko dadalhin?!!"habang pilit akong nagpupumiglas para bitiwan nya ako.

"Malapit lang ang bahay ko dito,doon tayo mag-usap."habang patuloy parin ang paghila nya sakin.

Wala na akong nagawa kung di sumama sakanya dahil kung di daw ako sasama bukas na bukas sigurado nagbebreak nakami ni Rique.


Nang makarating nakami sa palasyo este bahay nila eh sumalabong sakin yung napakaganda niyang ina na mukhang taga britania.Paano ko nasabi?nakasuot kasi sya nang mga sinusuot nina Queen Elizabeth as in!

"My son!"sabay halik nya sa pisngi ni retarded."Girlfriend mo Louisse?"then a beautiful shape forms on her red lips. Amazing~paano nagkaroon nang napakagandang ina ang retarded na to?Napakaimpossible.

Inalis ni retarded ang pagkakahawak sa kanya nang Mommy niya,"Mamaya na tayo mag-usap.Pakidala kami nang Class C."tapos nagsimula nanaman niya akong hilain.

Ngumiti ako sa Mommy nya at nagbow.Ang bastos naman nang retarded nato!Di man alam galangin ang Mommy nya.Habang hinihila niya ako pinagmamasdan ko ang loob nang bahay nila. Yung interior design parang pang ibang bansa tapos yung mga muwebles,curtains,lightnings and ceiling designs parang pang mayaman talaga. Alam ko mayaman si retarded pero di ko akalain na ganito siya kayaman,kumpara sa bahay namin na pangkaraniwan na bahay lang.Walang garden,veranda o kung ano-ano pang kaechosan.

Sa kakapansin ko sa bahay nila eh di ko namalayan na nasa loob na pala kami nang isang kwarto. Puno nang anime characters ang buong kwarto.Action figures,painting,drawings and pati ang wallpaper eh yung settings nang Konoha sa Naruto."Upo."sabi niya tapos inupo niya ako sa isang upuan na parang isang trono."Dyan kalang kpop!"sabi niya ulit then umalis siya at pumasok sa isa pang kwarto,I think CR yung pinasukan niya.

Kalabas niya nakapagbihis na siya at may dala na siyang mga tuwalya.Yung isa nasa ulo niya at yung isa nasa kamay niya.Lumapit siya sakin at ipinatong sa ulo ko yung tuwalya,"Ako nalang.."mahina kong sabi.Medyo nahiya kasi ako sa ginagawa niya.

Stealing the Bastard's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon