-28--Kristen's POV-
"Guys do we really have to attend the Induction night?"sabi ni Janecel habang pumipili nang damit.
Bumuntong hininga ako,"Ayoko mang sabihin e pero kailangan talaga natin mga bae!!Sayang ang incentives eh!"sabi ko naman.
Nandito kami ngayon sa mall at kasalukuyang naghahanap nang dress na pweding isuot bukas sa induction night. Alam ko na sobrang rush na ang ginagawa namin,paano naman kase sumabay yung pag-gawa nang major plate since bukas afternoon ang deadline nang pagpapass. Gabi pa kasi maguumpisa ang induction night kaya naisipan na ni hell boy este nang prof namin na bukas na i-pass para daw chillax nalang kami after induction night.
Simula kabukas nang mall e nandito nakami.Kailangan namin kasing lima ng sapatos at damit para bukas, you know naman pagbabae sobrang tagal pumili nang susuotin.
"Bagay ba?"tanong ni Yam nang lumabas sya sa fitting room. She's currently wearing a peach colored off shoulder dress. She is so kawaii!!!hahaha
Sabay sabay kaming tumango at may kasama pang two thumbs up si Eunnah.
"Ang cute mo talaga Yam!"pagcocompliment ni Elise.
"Hihi.Salamat. Buti naman naging ok na after 4 na pagpapalit ko."sabay ngiti niya tapos pumasok ulit sya sa fitting room para magpalit.
"Guys,what about this?"sabay pakita ni Janecel sa mala cinderella na damit."Wala na talaga akong makita na pangfairy tale na theme dito eh."
"I-try mo,maganda naman."sabi ni Eunnah.
Nagshrug si Janecel at pumasok sa fitting room pagkalabas ni Yam.
"Eunnah,buti di ka pa nagtitingin?"tanong ko kay Eunnah na kasalukuyang nagtetext.
"Ha?"sabi niya tapos tumingin sya sakin,"Hinihintay ko kasi ang desisyon ni Eric kung what color ang susuotin namin para terno kami."then a smile forms on her lips.
Napabuntong hininga nanaman ako,"Buti pala pupunta sya?"tanong ko.
"Kase daw para may kadate ako."tapos nagtext ulit sya."Si Sageng di pupunta?Pwedi naman outsiders ah."
Umiling ako,"Baka janitor sya that day eh,pero susubukan daw nyang humabol."sagot ko.
Sa totoo lang nagusap nakami ni Sage tungkol sa party nato. Gusto nya talagang pumunta kahit di ko pa sya niyayaya,kahit nga siguro wala ako pupunta sya e.May pagkaparty boy kasi si Sage-syempre mayaman.
Ang sabi nya kagabi sakin e may trabaho daw sya sa day na yon. Sa umaga student sya at pagdating ng gabi e janitor sya sa mall o kaya sa company nang dad nya. Pinaintindi sakin nang dad nya kung bakit ginagawa nya ang mga bagay nayon kay Sage. Sabi ni tito e gusto nyang lumaking responsable ang anak nya at hindi lang puro pogi--o diba pati si tito naniniwala na pogi si Sage,kaya super feeling gwapo talaga si Sage. Minsan nga nakwento sakin ni Sage na kailangan nyang magkulong sa isang cubicle dahil daw pinagkaguluhan sya nang mga babae na nagmamall. Pilit daw hinihingi ang number nya.Akala ko nga ineechos nya lang ako pero ako mismo nakasaksi nung naulit pa ang pangyayaring yon. Paghindi kasi nakauniform na pang-janitor si Sage e bakas talaga sakanya ang pagiging mayaman pero pagpinasuot mo na nang uniform,parang mapapa-isip ka na may janitor pala na ganito kagwapo?E paano,hindi nawawala sa dating nya ang pagiging mayaman kahit ano pang suotin nya.
"Kaw talaga Kristen!Kung tawagin mo na janitor si Sageng parang di mo sya boyfriend ah."tapos natawa si Eunnah.
"Ang sarap nya kasing asarin na janitor eh."tapos natawa din ako.
Natigil ang pag-uusap namin nang biglang lumabas si Janecel,"Woah..may naligaw na reyna."pang-aasar ni Elise."Magbigay pugay sa reyna!!"
Tapos nagkneel down kaming apat kaya tawa si Janecel at yung mga saleslady.
"Mga sira ulo!!"sigaw nya samin.
Tumayo kami at umayos nang upo,"Kunin mo na Janecel,bagay sayo."sabay pakita nang cute na ngiti ni Yam.
"Talaga?"tanong niya habang nagniningning ang mata niya.Nagnod si Yam."Ok!May tiwala naman ako sa taste mo Yam."tapos bumalik na siya sa loob nang fitting room.
"O ikaw na Kristen!"sabay tapik sa likod ko ni Elise.
"Aray naman!"tapos tinignan ko sya nang masama.
"Opps..Sareeh"maarte nyang sabi.
Tumayo ako at nagtingin nang damit.
Hanap
Hanap
HanapPft.Wala akong gusto-.-
"Pweding next store na tayo??"sabay pout ko.
"Osige kung yan ang gusto mo."sagot naman ni Eunnah.
Yosh!Buti talaga madaling pakiusapan tong si Eunnah!Basta di lang si Eric ang topic.
Tumabi ako sakanya at kinausap ulit sya,"Mag-oovernight ba kayo ni Matthew?"tanong ko.
Bigla syang napatingin sakin at parang nagisip muna sya kung bakit ko naitanong yon at nagprocess na sa utak nya e nagbago ang timpla nang mukha nya,"Oo eh.Di pa kami tapos.."
"Ganon ba?Kami din ni Elise e.Sakanila nga ako matutulog mamaya para matapos lang ang plate namin."tapos sabay kaming nagbuntong hininga.
"Pagkatapos nang plate e last exam nalang tapos chanan!The 1st sem is freaking over!!"sabi ni Eunnah.
Napangiti ako sa sinabi nya.Oo nga!Ang bilis nang panahon,parang kahapon lang nagsimula ang first day tapos ngayon last major exam nalang!Haha
Anyways,binili na nina Yam at Janecel yung mga damit tapos lumabas nakami. Saming lima ako at si Eunnah nalang ang wala pang nabibili.Si Elise kase ang unang nakabili nang damit sa pinuntahan naming store kanina. Pagwala akong nakita dito magcocosplay nalang ako,tutal si Elise lang naman ang nag-iisip na hindi pweding magcosplay sa isang fairytale themed na party. >.<
"Magbablack daw kami ni Rique."sabi ni Eunnah sabay baba sa phone niya.
Pumasok kami sa isang store at naghanap sya nang black and white na dress or gown. Luckily,isang RTW ang napuntahan namin kaya may mga gown sila na pinaparent.
"This one miss."sabay turo ni Eunnah sa isang black ballgown na sobrang gara. Kinuha to nang saleslady at ibinigay to sakanya.Sinukat nya to sa may fitting room at ilang minuto pa e lumabas na sya.
"Wow!"sabay sabay naming sabi. As in Wow talaga.Sobrang bagay nya kasi yung gown at mukha talaga syang princess.
"Here Ma'am."tapos inabot nung saleslady yung isang tiara kay Eunnah. Kinuha nya ito at sinuot. Fudge!Lalo tuloy syang nagmukhang prinsesa! "Ang ganda nyo po."sabi nung babae.
"Weh?totoo?Nambola ka pa te!"tapos natawa si Eunnah at yung babae.
Nang matapos isukat ni Eunnah yung gown e pumunta na sya sa may counter para bayaran to kaso,"It's okay ma'am,nabayad na po yan."sabi nung babae.
"Nabayad na?"gulat na tanong ni Eunnah.
Lumapit kami para lalong malaman ang nangyayari."Ano daw Eunnah?"tanong ko.
"Ah eh may nagbayad na daw.."nalilito nyang sagot.
"Ha??Sinong nagbayad?"tanong ko sakanya pero nailing lang sya.Tapos tumingin ako dun sa babae,"Sino po ang nagbayad?"
Ngumiti sya at may tinuro sya,sabay sabay kaming lumingon,"Retards.."sabi ni Eunnah.
"Konichiwa Konojo!!"nang lumabas si Sage sa pagkakatago sa likod ni Louisse.
"Sage.."
[Like the fb page of STBG: https://www.facebook.com/stealingthebastardsgirlfriend]
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Teen FictionEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...