-49-
-Janecel's POV-
"Prank ba to?Nakatelecast ba to sa buong mundo na parang sa Just For Laughs okaya Wow Mali?"pathetic na tanong ni Yam na parang pumipilit na tumawa.
Nakita ko na hinawakan ni Adam ang balikat nya,"Sana nga Yam ganon lang to pero,sapalagay ko totoo lahat ang nagyayari."
"Adam....p-pero paanong naging magkapatid yung dalawa?"gulong gulo nyang tanong.
Una sa lahat,nasa may venue parin kami nang birthday party ni Eunnah.Yung unang flow nang party masaya pa pero bigla nalang nagroll ang video na to sa mga screen na syang ikinagulat namin. Hindi ko nga alam kung dapat pa ba kaming magulat sa nangyayari dahil sunod sunod ang mga unexpected things.
Biglaang umalis papuntang London si Matthew na walang sinasabing dahilan.Habang wala sya,nagdesisyon na magpaengage na sina Eunnah at Eric. Tapos kinagabihan biglang nagpakita ulit si Matthew na kasama na nya si Eunnah. Sa mga nangyayari sakanilang tatlo sobra kaming naguguluhang mga kaibigan nila.Hindi na namin alam kung ano ang dapat paniwalaan tapos ngayon,narinig,nakita at napanuod naming lahat ang paguusap nang dalawang lalakeng to na kasalukuyang sinasabi nila na magkapatid daw sina Eunnah at Eric na magdadalwang taon nang magkasintahan at take note,alam ni Eric na magkapatid sila at may paghihiganti pa silang sinasabi na lalong nagpagulo nang situwasyon.
Minsan nang nabanggit ni Eunnah na muntik nang may nangyari sakanila ni Eric (dahil kinulit namin sya nang sobra para sabihin samin yon) pero di yon natuloy sa pagdating ni Heaven na kabanda ni Eric. Sa mga narinig ko kanina sa paguusap nila,bigla kong naisip ang bagay na iyon,kung totoong magkapatid sila,what if kung natuloy yon?anong mangyayari sakanila?naisip man lang ba ni Eric yon?! Tyaka,sobra sobra ang pagiging bastardo nya,bastardo na nga sya bastardo pa ang paguugali nya!!!
"Janecel..."nang bigla akong tawagin ni Elise.
Lumingon ako sakanya,"Ano?"
"Tignan mo si Eunnah,puntahan na natin sya,para syang mahihimatay eh.."pabulong nyang sabi.
Tumingin ako sa may harapan na kung saan tulala si Eunnah habang patulong ang pag-iyak nya."Sige,lapitan na natin."sabi ko.Sinenyasan ni Elise ang buong barkada at tinawagan ni Charles si Sage na itigil na ang pagvivideo para hindi na mapanuod pa nang mapakaraming tao ang pangyayaring to.
Lumapit kami kay Eunnah pero pinatigil nya kami sa paghawak sakanya,"Ok lang ako..."tapos pumulit syang ngumiti.
"Eunnah..."sabay sabay naming sabi na may pagaalala sa tono namin.
Naglakad sya papunta sa Mama nya na kasalukuyang napaupo nalang sa may tabi nang pader."Ma..."
Tumingin ang Mama ni Eunnah sakanya,"Anak...Louisse."tapos tumayo ang Mama nya at niyakap sya,"Sorry anak.I'm so sorry.."habang patuloy parin ang pagiyak nang Mama nya.
"Ma,wag kang magpasorry,wala ka namang kasalanan eh."tapos inalis ni Eunnah ang pagkakayakap sakanya,"Ma,always remember na mahal na mahal ko kayo ni Paps."tapos na ngiti si Eunnah.
Sa mga sinasabi ni Eunnah lalo kaming kinakabahan.Kilala ko si Eunnah,kapag sobra na syang nasasaktan,pipilitin nyang ngumiti para hindi kami magalala para sakanya.
"Eunnah,anak.."sabi nang Mama nya.
Ngumiti ulit si Eunnah at pinunasan ang luha nang Mama nya.Tapos naglakad sya ulit papunta sa may dressing room.
"Pupuntahan nya sina Eric."madali kong sabi sabay nang pagsunod namin ni Charles at Elise.Pinaiwan namin si Yam at Adam para i take care ang Mama ni Eunnah at si Kit naman ang magasikaso sa mga bisita.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Novela JuvenilEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...