-16-
"Pabalik na sila."sabi ni Janecel sabay baba sa phone niya.
Nasa kalagitnaan na yung event dahil Dance covergroup na yung segment.Ito naman talaga kasi yung dahilan kaya inorganize yung event,para malaman kung sino yung mga may potential na covergroups. After nito eh matatapos na yung event pero wala pa yung tatlong yun. Pati nga si Yam e nag-aalala narin duon sa bestfriend niyang si Adam dahil di parin niya siya macontact.
After ulit nang mga guest performer eh bumalik ulit kami kung saan kami naupo kanina.Di na kasi namin kaya ang nakatayo hangga matapos ang buong show kaya inupo nalang namin.
"And the next judge,ay nako!Sigurado masayang masaya ang mga fanboys dito!"tapos binitin nung host yung pagpapakilala sa isang judge.Nagsigawan ang mga tao dahil na excite sila."She is a rookie model in Korea at kakauwi niya lang dito para sa event na to,please welcome!Ms. Seulgi Kang!"as the host continues.
Sigawan ulit ang mga tao.Gusto ko man makita yung Seulgi na model na yon eh tinatamad nako para tumayo at maglakad.Napansin kong tumatalon si Kristen para makita niya yung judge."Ang ganda naman niya!"sabi ni Kristen pero biglang kumunot ang noo niya.
"Bakit Kristen?"tanong ko.
"Yung Seulgi,parang nakita ko na siya..di ko lang alam kung saan.Somewhere?Ewan ko."tapos umupo ulit sya.
"Baka sa mga magazines.Model nga siya diba?"sabi ko naman.
"Oo nga no..Baka duon ko siya nakita."tapos tumawa siya. Hayy naku Kristen-.-
Tapos nag start na yung contest. Napansin ko si Yam na pabalikbalik nang lakad at patuloy ang pagtawag kay Adam."Lagot ka talaga sakin Adam!"gigil nyang sabi.
"Janecel,asan na daw sila?Bakit ang tagal naman!"inis na sabi ni Elise.
Umiling lang si Jancel,"Ewan ko sabi ni Charles papunta na sila."
***
-Charles' POV-
"Suotin mo to."sabay hagis ni Kit nang damit kay Louisse.
Nagpakilala na kami sa isa't isa. Hindi ko abot akalain na magkakakilala na pala sila. Yung dalawang lalaki na tumulong samin kanina,yung Louisse,kilala ko siya madalas ko siyang nakikita sa room nina Janecel kapag sinusundo ko siya at yung isa naman,si Adam kaibigan siya nung Louisse at pinsan naman ni Sage si Louisse.It means connected lang kami sa isa't isa.
Nabasa kanina si Louisse dahil katabi niya yung nakaaway namin .Binuhusan ni Adam yung lalaki kaya nabasa din si Louisse.Sinalo ni Louisse yung damit at tinignan ito,"Ano to?!"
"Para yan sa boyfriend ni Eunnah na si Eric kaso di sya dumating."pageexplain ni Kit,"Suotin mo nalang wag kanang maarte."
Biglang natuwa si Louisse,"Andito si kpop?"
Nag-nod si Sage,"Kasama niya din sina Elise,Janecel at Kristen.Kaya nga nandito din kami diba?"
Kaagad naghubad nang damit si Louisse at sinuot yung damit na binigay ni Kit."Bagay ba?"tapos umikot sya.
"Kadiri."sabay kungwaring duwal ni Sage.
"A-ano.."nang marinig naming magsalita si Adam.Tumingin lahat kami sakanya,"By chance,nakaganyan din ba ang mga kasama nyong babae?"
Sabay sabay kaming tumango."Bakit?"tanong ko.
"Kase ganyan din ang suot nung kasama ko.At pinilit nya akong suotin to.Honestly,mukha tayong sasayaw."sabi ni Adam.
Kanina pa namin sya kasama pero di namin na pansin na kamukha nang damit niya ang mga damit namin.Pagkakataon nga naman.
"Tumalikod nga kayo."sabi ni Louisse.Tumalikod naman kami at binasa niya isa isa ang nakasulat sa likod namin,"S.H Han 05,H.B Lee 29,J.H Lee 06,T.W Jung 10, Kim W.S at yung akin H.Y Cha 30.Amazing~teka kilala nyo ba sila?"Sabay sabay kaming humarap at umiling.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Teen FictionEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...