Chapter 43: Good Daughter <3 Eternal Gangster

162 5 1
                                    

-43-

-Janecel's POV-

"Talaga?!Ipapakilala mo na si Charles sa parents mo?!"excited na tanong ni Eunnah.

Nagshrug ako."I think kase this is the right time para magkakilala na sila.Matagal nadin kami ni Charles and nakakaguilty kase kapag walang alam ang parents mo."tapos ngumiti ako nang kaunti.

Totoo naman.Nakakaguilty talaga nang sobra. Minsan nakong nainlove bago dumating si Charles sa buhay ko pero naging mapait yon na karanasan para sakin. Hindi ko sinabi sa Mom ko yun pero in the end nalaman nila yon at nagalit sila sakin kaya pinagbawalan na nila akong magkaboyfriend. Alam ko pinoprotektahan lang nila ako against sa mga taong pweding manakit sakin pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na mahalin si Charles kahit ikakagalig pa ito nang magulang ko.

"Sabagay tama ka..Pero diba bawal kang magkaboyfriend?Anong sasabihin mo?"tanong ulit nya sabay upo sa tabi ko.

"Oo.Sa totoo lang di ko pa alam ang dapat sabihin o paano ko dapat ito papaliwanag.Natatakot nga ako eh..."tapos bumuntong hininga ako.

Hinawakan ni Elise ang kamay ko,"You need to take alot of courage para masabi mo yon.Humugot ka nang lakas kay Charles dahil sa ngayon kayo lang ang magkakampi."sabay ngiti nya.

"Tama si Elise,Janecel!Tyaka dapat prepared si Charles paghumarap sya sa magulang mo.Tutulungan namin kayo!"tapos kumindat si Eunnah.

Natawa kaming tatlo sa ginawa niya.Ilang saglit pa e dumating na sina Yam at Kristen. Kung anong ningning nang mga mata ni Yam yun naman ang lungkot nang mga mata ni Kristen.

Inilapag nila ang trays nila at umupo sila across us.Nasa may school canteen kami at nagtatake nang lunch.

"Yan lang ang kakainin mo?"tanong ko kay Kristen. Isang baso nang Ice tea and brownies lang kasi ang nasa tray nya.

"Wala akong ganang kumain..."malungkot nyang sagot.

"Si Sage ba?"tanong naman ni Elise.

Nagnod si Kristen,"Na brokenhearted na ba kayo?"

Umiling si Eunnah,"Paano ba ang mabroken?Di makakain?Di makatulog?Nakikinig nang malulungkot na kanta? O pati umiiyak sa gitna nang ulan?"tapos bigla kaming natawa sa sinabi nya.

Pumorma si Kristen na parang babatukan si Eunnah,"Sira ulo!"sabi niya.

"Pero di nga,alin don ang ginawa mo?"pangungulit ni Eunnah. Hay naku palibahasa kasi masaya na sila ni Eric kaya wala na syang iniintindi.

"ALL OF THE ABOVE!!"iritang sagot ni Kristen na ikinatawa namin."Pagnabroken ka maiintindihan mo din ako."sabay pout nya.

"Hay Kristen!Wag mo nang pansinin ang sira ulong yan."sabi naman ni Elise,"Di pa ba kayo nag-uusap ni Sage simula nang araw na iyon?"

"Di pa eh."sagot ni Kristen habang nilalaro yung straw nang ice tea nya."Namimiss ko na siya..Namimiss ko na si Sage."maluhaluha nyang sabi.

"Yun naman pala..kung mahal mo pa sya bakit di mo sya kausapin?Misunderstanding lang ba ang magpapabagsak sa relationship nyo?"sabi naman ni Yam.

Alam ko ang pakiramdam na yan.Noong muntik na kaming magkahiwalay ni Charles,parang di ko na maimagine ang mabuhay nang masaya kung wala sya sa tabi ko. Kami ni Charles,kami yung relationship na fragile kung baga.Konting biruan lang tapos mauuwi sa awayan at tampuhan.Ilang beses nakaming muntikang maghiwalay dahil sa pagiging conservative ko at pagiging gangster nya.Kung tutuosin parang di nga kami bagay pero wala eh opposite do really attract.

Stealing the Bastard's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon