Chapter 18: Insane

205 7 0
                                    

-18-

A relationship without trust is like having a phone with no service.And what do you do with a phone with no service? You play games.

Then I click the post. Ilang minuto pa eh nag-like na sina Kristen,Janecel,Elise,Kit,Sage,Charles at pati sina Adam and Yam. Nag-comment din sila nang "You Ok?" pero may isa pang nag-comment, "I-break mo na.Tayo nalang." sino pa ba ang mang-aasar nang ganyan edi si retarded. -___-

Niyakap ko ang tuhod ko at naiyak nanaman ako dahil naalala ko nanaman ang pangyayari nung Kpop event. Yung scene na niyakap nung babae yung braso ni Rique tapos ang saya pa niya. Kris pa nga ang tawag niya kay Eric,short for Kristoffer.

Tumakbo ako pagkatapos mangyari yon,I thought like in the movies he will chase after me pero hindi dahil ibang tao ang humabol sakin.

*flashback*

Takbo lang ako nang takbo para hindi mapansin nang mga tao ang mga luha sa mata ko. Nakita nang dalawang mata ko na may kasama siyang babae.Ibig sabihin ba na totoo yung mga sinasabi nang mga tao tungkol sakanya na playboy sya at niloloko niya lang ako? Y__Y

"Ouch!"nang madapa ako dahil sa isang malaking bato na hindi ko man lang napansin.Ang tanga ko talaga kahit kailan.

Napunta ako sa may playground kung saan lagi akong napapadpad kapag nalulungkot ako.Tinignan ko yung tuhod ko at may sugat nanaman ako.Leshe,di pa nga humihilom yung isa,meron nanaman. Pft.

Tumayo ako at naglakad papunta sa may swing at duon umupo.Kagaya nang dati kinuha ko yung wallet ko at tinignan yung masayang picture namin ni Rique. "Rique,tell me,hanggang kailan mo ba ako pahihirapan nang ganito?Di pa ba sapat ang love ko para sayo para maghanap ka nang iba?Alam mo naman diba na I can't live without you?"tapos natuluan na nang luha yung picture namin.

"Nag-dadrama kananaman?" nang makarinig ako nang boses na nang gagaling sa may slide.

Agad akong tumingin,"You again?!"

Teka,nangyari na ang scene na to dati.... Ah!Nung nasugatan niya ako at sinula nuon tinawag na niyang forever si Rique!

"Tigil tigilan mo nga ang panonood mo nang drama,yan tuloy nagagaya mo na sila."panenermon niya.

"At bakit kita pakikinggan?Umalis kana nga!"habang pinupunasan ko ang luha ko.

"Bakit ako aalis?Eh akin nga ang lugar nato!I already told you na binili ko ang buong playground nato."sabi niya habang nakaupo padin sa may slide.

Tumayo ako at nilagay ko ulit sa bag ko yung wallet,"Fine!Ako nalang ang aalis."

Nagpaslide siya na nakataas ulit ang kamay niya na parang bata.Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat."Upo."sabay upo niya sakin ulit sa slide.

"Wag mo akong itutulak!"sabi ko.

"Tch.Di naman kita tutulak."tapos lumuhod siya sa harap ko. May kinuha siya sa bag niya.Isang bang-aid."Bakit ba ang tanga mo?Lampa ka na nga,tanga ka pa?"sabay lagay nya dun sa band-aid sa sugat ko.

"Oo na alam ko naman yun!"tapos nagpout ako."Bakit pala alam mo na nandito ako?"

Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko sabay bulong na,"Because our hearts are one."dahil sa sinabi niya e bigla ko siyang naitulak kaya napahiga siya sa lupa."What are you doing?!"

"Bakit ba ang hilig mong magbigay nang goosebumps no?!Kadiri ka!"tapos tumayo ako,"Iwan na kita."

Tumayo siya at pinagpag ang sarili niya.Lumapit siya sakin at bigla niya akong binuhat.As in yung parang kinakasal."H-hoy!Retarded!Ibaba mo nga ako!"habang ginagalaw ko ang mga paa ko.

"Wag kangang malikot!Kung alam mo lang na ang bigat mo!"irita niyang sabi.

"Kaya nga ibaba mo na ako!"

"Gusto mong ibaba kita sige!Para lalo kang masaktan."tapos tinakot niya ako na bibitawan kaya napahawak ako sa balikat niya."If I were you,manahimik ka nalang.You can't walk properly."

Hindi na ako sumagot pa at nagsimula na siyang maglakad.Sumandal ako sa may chest niya at naiyak ulit ako. Bakit ba ganito ang pag-ibig?Bakit lagi nalang nagkakaproblema?Kakabati palang namin ni Rique tapos eto nanaman kami.

"You know,that's the reason why I don't want to fall in love seriously .You get hurt by the people you truly love.You will give them love but they will repay you pain.See?Love sucks."he seriously says.

"Paano mo nalaman na mangyayari sayo yung nang yayari sakin?Sabi mo nga dika pa naiinlove diba?"I says in the mid of sobbing.

"By just merely looking at you,I feel hurt too."

Dug-dug!Dug-dug!Dug-dug!Dug-dug!

Ito nanaman ang abnormal kong heartbeat.Nagpababa ako sakanya dahil baka maramdaman niya ang bilis nang tibok nang puso ko. Kaagad akong nag-para nang tricycle at agad nang umuwi.Di nadin ako nagpasalamat sakanya dahil di ko siya matignan nang daretso.Ano bang nangyayari sakin?Bakit ko nararamdaman to?

*end of flashback*

"Louisse!May nagdodoorbell!"sigaw ni Mama na kasalukuyang nasa kitchen.Wala si Paps kaya medyo peaceful ang bahay namin ngayon kung andito lang sya panigurado gulo nanaman ang kahahantungan.

Bumaba ako at binuksan ang pinto at nang kakita ko e agad ko itong sinara."Sino yan?"tanong ni Mama.

"Wala Ma,ipis lang."sagot ko. Si retarded kasi ang nasa labas kaya agad ko itong sinara.Sigurado naman kasi na mang-aasar lang sya.Pft.

Di na ako pinansin ni Mama at tuloy lang sya sa pagluluto.Ilang segundo pa eh may doorbell nanaman.

Dingdong!Dingdong!

Dingdong!Dingdong!

Dingdong!Dingdong!

Dingdong!Dingdong!

Dingdong!Dingdong!

Dingdong!Dingdong!

GGRRR!!Retarded ka talaga!!Tumayo ako at binuksan ang pinto,"Ano ba---wow~"nang makita ko isang basket nang chocolates sa harap naming pinto. Lumabas ako para hanapin kung sino ang nang-iwan nito pero ang bilis niyang nakaalis.Kinuha ko ito at nakita ko yung card,

Andito naman ako,Kpop.


Bigla akong kinilabutan sa nabasa ko.Kahit kailan talaga ang corny nang lalaking 'yon. Eww. Pumasok ako at inilapag to sa mesa."Mama,para sayo ata to."tapos iniwan ko iyon pero dinala ko yung letter at nilagay to sa may drafting table ko.

Napansin ko yung phone no na umilaw kaya tinignan ko ito. 79 missed calls galing kay Rique and 23 text messages galing din sakanya. Binura ko lahat yon at walang binasa ni isa.Gusto ko munang mapag-isip. Sana.

Nagvibrate ulit ang phone ko,binuksan ko yung text at galing to kay Rique,

Kapag di mo ako pinuntahan sa bahay.Magpapakamatay ako.


[Like the fb page : https://www.facebook.com/stealingthebastardsgirlfriend ]

Stealing the Bastard's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon