-41-
-Yam's POV-
"Oh,lunch mo."sabay lapag ko sa lunch box na dala ko sa harapan niya.
Kinuha nya ito at ngumiti,"Salamat!The best ka talaga tol!"
"Welcome."tapos ngumiti ako na parang napipilitan.
"Nga pala,hintayin mo na ako ah.Sabay na tayong pumasok."sabi niya habang binubuksan ang lunch box.
"Sige.Dalian mong kumakain baka malate pa tayo."tapos umupo ako sa tabi niya.
Kinuha nya yung phone niya dahil bigla itong nagring.Tumingin muna sya sakin tapos tumingin ulit sya sa phone nya."Wait lang ah."
"Sige."
Sinagot na nya yung call pero di sya umalis sa tabi ko,"Hello Eunnah?"
Si Eunnah ang tumawag?Aba,ganito na ba sila kaclose para magtawagan sila?Ano to,si Adam ang pumalit kay Matthew ganon?
"Kumakain na ako,ikaw kumain kana ba?"tapos
bigla siyang natawa."Ikaw talaga~Sige dadaanin kita pagkatapos nang klase ko.Hahatid na kita sainyo."sabay ngiti niya,"Sige sige,Ingat bye!"tapos inend na nya yung call nya at ibinulsa ulit yung phone nya.
"Tuwang tuwa ka ah."sabi ko sakaya.Sumubo siya tsaka ito ngumuya bago niya ako sagutin,"Oo naman.Sino ba naman ang di matutuwa kapag ang crush mo ang kausap mo."tapos isang napakalaking ngiti ang pinakita niya.
Nagshrug lang ako,"Narinig ko na susunduin mo sya mamaya?Nakalimutan mo ba na may pupuntahan tayong Art Exhibit?"Bigla syang natigilan sa pagkain at napatingin sakin,"Oo nga..Nakalimutan ko Yam.Sorry.Ipapasama nalang kita sa iba nating classmates para makapunta ka."
"So,hindi mo ako masasamahan?"sabay taas nang isa kong kilay.
Umiling sya,"Hindi eh..Sorry,ihahatid ko ngayon si Eunnah eh."sagot nya.
"Ahh..Ok sige.."tapos di nako tumingin sakanya. Ouch naman.Ganito pala ang feeling kapag ang bestfriend mo nagkagusto sa iba tapos nahati na ang attention nya.Mas pipiliin pala niyang samahan ang taong gusto niya kesa sa bestfriend niya.
Pagkatapos nyang kumain e nagbihis na sya at umalis na kami nang shop nila. Nagsimula nakaming maglakad pero di tulad nang dati na lagi niya akong kinakausap,ngayon naglalakad sya habang nagtetext.
Bigla syang natawa,"Ang cute nya talaga.."pabulong nyang sabi.
"Bakit ka natawa?Sinong katext mo?"tanong ko sakanya habang sinisilip ang phone niya. Agad nya itong hinome kaya di ko nakita text messages pero nakita ko ang wallpaper nang phone niya.Si Eunnah.
BINABASA MO ANG
Stealing the Bastard's Girlfriend
Teen FictionEunnah Louisse Samson is truly,deeply inlove with her boyfriend named Eric Kristoffer Manalili.She loves him to the point that she can't live without him. Ang hindi niya alam,na ang boyfriend niya is the illegitimate son o bastardo na dahilan nang p...