Chapter 42: Thief or Stealer

156 6 0
                                    

-42-





-Matthew's POV-





"Ayoko na.Nagququit nako sa deal natin."





Humarap sya sakin at nangiti,"And what is your reason for quiting?"





"Dahil mahal ko na siya.Mahal na mahal ko na si Eunnah Louisse Samson."seryoso kong sagot.





Ngumiti ulit sya tapos naupo sa may couch,"Umupo ka,pag-usapan natin yan."





"Wag na.Wala na akong oras."sagot ko sakanya.





Napasmirk sya,"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?Ayaw mo na ba talagang makita ang Mommy mo?"





Lumapit ako sakanya,"Ayoko na.Iniwan na niya kami ni Dad kaya bakit ko pa siya hahanapin?At isa pa mas mahalaga ngayon sakin si Eunnah.Kaya hindi ko hahayaan na ang walang kwentang deal natin ang makakapigil sakin para mahalin ko sya."







"Talaga?Ganyan mo ba talaga sya kamahal?"tapos isang nakapang-aasar na ngiti ang pinakita niya sakin."Sayang naman,natagpuan na nang kaibigan ko ang Mommy mo."then kinuha nya yung telephone,"Teekei,pakidala dito ang brown enveloped,yung naglalaman kung nasaan si Mrs.Reyes."





Tapos ilang saglit pa e may dumating na lalaki na may dalang isang brown na enveloped.Iniaabot nya to kay Nell at umalis na ulit sya.Inilapag ni Nell yung brown enveloped sa may mesa at tinig nan nya ako na parang tinetempt nya ako na tignan ko ang laman nito."Ikaw.."galit kong sabi sakanya.





"Kumpleto yan,ang address,sketch papunta doon at mga pictures nang Mommy mo.Alam mo may interesting pang nalaman si Teekei tungkol sa Mommy mo.Gusto mo bang malaman?Ibobonus ko nalang sayo yon,dahil pumayag ka sa deal natin kahit nagquit kadin sa huli."







Tinitignan ko lang sya dahil naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko pa pinasok ang deal na ito."Sige,sabihin mo.Gusto kong malaman."





Nangiti siya at nagcross legs,"Ok pagbibigyan kita.Nalaman ni Teekei na ang Daddy mo ang tunay na nangaliwa at hindi ang Mommy mo.Nahuli nang Mommy mo ang Daddy mo at ang mistress nya sa isang hotel."tapos tumayo sya,"Sa loob nang enveloped na yan,mas detailed ikinwento nanng Mommy mo ang lahat sa isang letter."





Nanghina ang tuhod ko dahil sa narinig ko.Feeling ko nadurog ang puso ko sa narinig ko.Sobrang sakit.Sobra.





"I want you to know na kahit nagquit ka sa deal e nanalo ka parin.You're free to get that files..You don't have to choose between your Mom and that girl."tapos lumapit sya sakin,"Pero alam mo kapag kinuha mo na yan parang ginamit mo lang ang babeng yon para malaman kung nasaan ang Mommy mo."tapos tumawa sya.





"Nababaliw kana."galit kong sabi sakanya. Hindi ko kinuha yung enveloped at umalis nako.





Siya si Nell Robbins ang may-ari nang University kung saan kami nag-aaral nina Eunnah.Months ago nakilala ko siya sa hindi pangkaraniwang situation.Nakilala ko siya sa may police station habang nagiinvestigate ako para malaman ko kung may report ba tungkol sa nanay ko.Dinala niya ako sa opisina niya at duon kinausap. Sa una hindi ko alam na siya pala ang may-ari nang university namin pero nang malaman ko ang tungkol sakanya duon palang ako naniwala.





Ang sabi niya narinig niya ako na kausap ang mga police tungkol sa nawawala kong nanay at gusto nya akong tulungan.Ang sabi niya,para daw syang ako,nangungulila sa pagmamahal nang isang ina kaya willing daw nya akong tulungan kahit ang hanapan pa ay sa ibang bansa. Sa totoo lang kayo kong ipahanap ang Mommy ko gamit ang pera nang pamilya namin pero sa oras na malaman ni Daddy ang gagawin ko e sigurado maaalala nanaman niya ang sakit nang iniwan kami ni Mommy at ayoko syang nakikita na mahirapan.



Stealing the Bastard's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon