Kabanata 1

1K 150 30
                                    

KABANATA 1:

Raphaelle Ilorgen

"Shete san na nga ulit room natin?"

"Hindi ko alam, check mo kaya sa enrolment slip mo!"

"Ayun, sa room 307 tayo."

"Oh tara na, ang bagal mo talaga nakakainis ka!"

"Wow ha!"


Matapos ang bangayan ng dalawang babaeng nakasabayan ko sa paglalakad ay napahinto ako at napalibot ang mata sa buong campus, ang Valderama University.


Ang University na noon, pinapangarap ko lang makapasok, pero ngayon heto na't nakatapak na ko sa kinatatayuan ng mga gusali nito.


Hindi ko mapigilan ang mamangha sa lawak, at gaganda ng mga gusali ng unibersidad.


Napatingin ako sa nakasabit sa aking lace ng paaralang ito, at binasa ang nakasulat sa ID Card ko, na siyang magiging pagkakakilanlan ko bilang mag-aaral sa paaralang ito,


"VILMOUZA, Raphaelle Ilorgen M., BSECE"


Napapikit ako sa kawalan, dinadama ang biglaang pag-ihip ng hangin sa aking mukha, nang bigla akong natulak paabante.


"Ay sorry ha, nagmamadali lang, pasensya na" banggit niya.


Napatulala ako sa mukha niya, at napanganga sa gulat dahil sa kagwapuhang taglay ng lalaking nakabangga sa akin.


"Okay lang po." sambit ko, matapos nun ay bigla nalang siyang nagmadaling umalis na parang may hinahabol.


Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko papasok ng building ng Valderama University.


6 na taon ang nakalipas, nang binanggit ko sa nanay ko na gusto kong mag-aral dito sa Maynila, noong una'y tumututol sila. Una, dahil sa hindi naman kami mayaman para mapag-aral ako sa unibersidad na ito, at pangalawa dahil sa malayo ito sa probinsya namin.


Pero, dahil sa pagsusumikap ko sa pag-aaral, grumaduate ako sa Senior High School bilang Class Valedictorian, kaya naman hindi naging problema sa akin ang makapasok sa unibersidad na ito.


Nakatanggap ako ng scholarship sa Valderama University, ang tutuluyan ko naman ay sa kapatid ni Nanay na si Tita Glezel, na hindi naman kalayuan sa unibersidad.


Pangalawa ako sa aming magkapatid, dalawa lang kaming magkapatid ni Kuya Roelle, at naitataguyod naman ni Nanay Rapunzel at Tatay Isaiah ang pang-araw-araw naming pamilya.


Mahirap man para sa kanila na malayo ako sa kanila, upang mag-aral ng kolehiyo ay pinayagan pa rin nila ako, dahil alam nilang mas maraming oportunidad ang maaari kong makuha pagkatapos ko sa kolehiyo.


Sa 3rd floor pa ang unang klase ko, kaya naman binilisan ko ang paglalakad upang makarating na ng maaga sa klase namin.

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon