Kabanata 21

154 42 16
                                    

Dedicated to: @OfCourselCried

KABANATA 21:

Raphaelle Ilorgen


Maaga akong gumayak, kahit na alas-diyes pa naman yung simula nung Quiz Bowl.


Wala din kaming klase ngayon, dahil inexcuse na ang buong ECE sa buong araw na ito para sa event na'to. Hindi lang din quiz bee ang mangyayari dahil may mga Amazing Race din na gaganapin.


Nagsuot ako ng navy-blue na damit ngayon, na may archer na design sa gitna nito, at tattered jeans. Blue kasi ang napagpasiyahang kulay ng isusuot sa Artemis na house namin.


Nang makarating ako sa VU, ay agad akong sinalubong nina Ivy at Mannix na nakared naman na damit, dahil red naman ang sa Aech.


Para nga silang nakacouple shirt dahil parehong plain ang suot nilang dalawa.


"Para kayong magjowa sa suot niyo" natatawang sabi ko sa kanila.


Sabay naman silang sumama ang tingin sa akin, kinurot ako sa tagiliran ni Ivy at binatukan naman ako ni Mannix.


Kita niyo, mga mapanakit talaga 'tong mga kaibigan ko eh.


"Grabe manakit? Galit na galit?" sabi ko sa kanilang dalawa.


"Huwag ka ngang nagbibiro ng ganun, ayokong matali diyan kay Mannix no!" sagot sa akin ni Ivy, na siyang ikinatawa ko ng malakas.


Ngumiti naman ng pagkaloko si Mannix, "As if naman type kita, hindi ka naman sexy"


Tawa ako nang tawa dahil sa sinabi niya, pero si Ivy naman ay masama na ang tingin sa aming dalawa, at nakataas pa ang kilay.


"Hoy! Grabe ka naman sa hindi sexy! Mapanakit ka talaga ah! Di na kita kaibigan, unfriend na!" sabi ni Ivy, saka nauna na itong naglakad.


Tawa naman kami nang tawa ni Mannix, bully naman kasi ng isang 'to, pikon naman yung isa.


Nang makarating kami sa hall, ay agad akong kinilabutan. May limang table na nasa gitna, at may tig-dalawang upuan. Mauuna kasi ang Duo Quiz, bago ang Group.


Nakapalibot naman dito ang madaming upuan, na para sa mga house members na manonood at susuporta.


Kinakabahan akong naglakad papunta sa hall.


Mula noong araw na nangyari yung pagkahuli ni CA kina Ate Geka at Jomar, ay hindi na ito muling nagpakita o nagparamdam sa akin.


Kahit nitong mga huling araw, umaasa nga akong magchachat na ulit ito, at mag-aayang magreview dahil papalapit na ang quiz bee, pero wala akong natanggap na ano mang mensahe galing sa kaniya.

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon