Kabanata 40

126 16 14
                                    

KABANATA 40:

Raphaelle Ilorgen


"Clarisse, pa-take-out naman ako ng isang bucket, at tatlong large fries. Magbibihis lang ako" nakangiting bilin ko kay Clarisse, nakangiti ding tumango ito sa akin, bago ako umalis sa may counter at nagbihis.


Isa siya sa mga naging kaibigan ko dito sa Mcdo, isang fast food chain na pinagtatrabahuhan ko.


Halos limang taon na din ang nakalipas mula noong nangyari ang sabay-sabay na problema na dumating sa buhay ko. Nabuntis ako, iniwan ako ng lalaking nakabuntis sa akin at hindi niya alam na buntis ako, itinakwil ako ng Tatay ko, at natigil ako sa pag-aaral ko.


Ni hindi na din ako nakapagpaalam kina Ivy at Mannix, na mawawala na ako, na hindi na nila ako makikita dahil sa mga dinanas ko. Kamusta na kaya sila?


Halos limang taon na ang lumipas, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat ng yun. Sobrang bilis ng panahon na lumipas.


Ni hindi ko namalayang nalagpasan ko pala lahat ng yun, nakaya ko pala lahat ng pagsubok na yun? Na noong una ay halos iiyak ko nalang dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko.


Inabot sa akin ni Clarisse ang pinatake-out ko.


"Ingat ka, Raph ha?" sabi nito sa akin, kaya ngitian ko siya.


"Pakurot din kay RA, miss ko na yung cute na yun!" pahabol niya, kaya natawa nalang ako pagkatalikod ko, at naglakad na paalis.


Nagpaalam na din ako sa manager namin, alas otso na din ng gabi kaya naman sobrang dilim na din sa labas.


Nang makalabas ako, ay mabilis akong naglakad patawid para pumunta sa sakayan ng jeep, pauwi. Mabilis naman akong nakasakay dahil na din sa gabi na, at kakaunti nalang ang mga pasahero na nag-aabang.


Pagkababa ko sa jeep, naglakad na ako papasok sa Vernier Garden, pagdating ko sa bungad ng bahay ay agad akong sinalubong nina Jekjek at Ana.


"Ate Raph!" sabay nilang sabi, habang tumatakbo palapit sa akin.


Kinuha naman ni Jekjek ang bag na nakasukbit sa likod ko.


"Ako na dito ate!" sabi nito sa akin, at isinukbit din sa likod niya ang bag ko, natawa nalang ako.


Hinaplos ko naman ang buhok ni Ana, at sabay kaming naglakad papasok.


"Si RA?" tanong ko sa kaniya, habang papasok kami sa bahay.


Tumingala ito sa akin at ngumiti,

"Nako ate, ayun at gising pa. Hinihintay ka" sagot nito sa akin.


"Sige, dalhin mo na 'to sa mesa, at tatawagin ko lang sina Lola" bilin ko sa kaniya, kaya mabilis naman itong sumunod sa akin, at patakbong pumunta sa hapag.

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon