KABANATA 36:
Raphaelle Ilorgen
Nagising ako dahil sa may naramdaman akong dumampi sa pisngi ko, umikot pa ako sa kabila para makatulog ulit, pero naramdaman ko naman ang kamay na pumulupot sa beywang ko.
Teka! Kamay?
Agad akong napamulat, at umikot muli sa kabila, nagulat ako nang makita ang nakangiting mukha ni CA na nasa harapan ko ngayon!
"What's with my face?" tanong pa nito sa akin, nang mapatulala ako sa mukha niya.
Rumehistro sa utak ko ang nangyari sa kagabi. Umikot ulit ako sa kabila, at mariin na ipinikit ang mga mata ko.
Ginawa ko yun!? Ginawa namin yun?
Parang lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko, dahil sa lakas ng kabog nito, naramdaman ko din ang pag-init ng pisngi ko nang maalala ang nangyari sa amin kagabi!
Nakakahiya!!!
Itinaas ko nang kaunti ang kumot na bumabalot sa amin ngayon, at nakitang nakasuot naman ako ng damit ni CA, pero nararamdaman ko ang lamig sa ibabang parte ko. Wala akong suot na pang-ibaba!
"Huy, love!" yugyog sa akin ni CA, kaya agad akong humarap sa kaniya.
"Oh, namumula ka?" tanong niya pagkaharap ko, kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya,
"Are you sick?" tanong nito sa akin, umiling lang naman ako.
"Masakit pa rin ba?"
Literal na napaawang ang bibig ko dahil sa naging tanong niya, at naramdamang pati tenga ko ngayon ay nag-iinit na! Nakakahiya!
Tinawanan ako ni CA dahil sa naging reaksyon ko, "You're blushing"
Itinakip ko ang kumot sa mukha ko, dahil sa hiya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.
Pagkaangat ng kumot, nagulat ako dahil nakaboxer shorts lang pala ito, at walang suot na pang-itaas! Nakita ko tuloy ang abs nito na akala mo ay nahulma dahil sa pagiging perpekto.
"Enjoying the view?" narinig kong sabi nito, saka tumawa.
Lalo akong nanlumo sa kinaroroonan ko. Nahihiya na nga ako dahil sa nangyari, inaasar pa niya ako!
Ibinaba niya ang kumot mula sa mukha ko, at pinaharap niya ako sa kaniya.
"Good morning, love. It is so great to start a day, when I first saw your lovely face in the morning" sabi nito, at ngumiti nang wagas.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Fiksi UmumIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...