KABANATA 41:
Raphaelle Ilorgen
"Oh siya sige, sagutin mo na yan at papasok na din ako sa kwarto" paalam sa akin ni Lola Ester, tumango naman ako sa kaniya at sinagot na ang tawag.
"Hello, Ab?"
"Raph! Ano na, ang tagal mong di nagparamdam. Miss ko na din si RA" natawa ako dahil sa sinabi nito.
"Hindi ka niya namiss" pagbibiro ko, kaya siya naman ang natawa.
"Wala kang pasok bukas diba? Bisita ako diyan" sabi nito sa akin.
"Sige lang! See you, namiss ko din kakulitan mo" sagot ko habang nakangiti.
"Sus! I miss you, too. Oh sige, matulog ka na. Good night!"
"Good night" sagot ko, at pinatay na ang tawag.
Nanatili lang akong nakaupo sa hapag namin, habang hawak ang tasa na pinag-inuman ko.
Sa kanilang lahat, si Ab lang ang nakakaalam ng nangyari sa akin. Siya lang din ang nakakaalam kung saan ako nakatira.
Nagpapasalamat din ako lagi sa kaniya, dahil hindi naman niya ako binibigo na itago ang sikretong 'to. Wala din naman akong balak magtago sa kanilang lahat, pero sa ngayon, hindi pa talaga ako handa.
Nalaman lang din ni Ab na dito na ako nakatira, at nakapanganak na ako, nang minsan nakita ako nito dito sa garden habang nag-aayos.
Graduate na siya noon, at halos kakapanganak ko naman kay RA. Naikwento ko sa kaniya ang lahat, at dinamayan naman ako nito sa kalungkutan ko. Itinuring niya akong nakababatang kapatid niya, nang malaman niya ang lahat ng nangyari sa akin.
Noong una ay halos araw-araw pa siyang nagpupunta dito, pero nang magkaroon na siya ng trabaho ay tatlo o dalawang beses nalang sa isang linggo, na wala namang problema sa akin.
Nag Top-6 din yang si Ab sa CE Board Exam nila, kaya sobrang nakakaproud!
Hinugasan ko na ang tasang ginamit ko, at dumiretso na sa kwarto para matulog, pagdating ko nga doon ay mahimbing na ang tulog ni RA, kaya tinabihan ko nalang ito.
Kinabukasan, maaga akong gumising para ipagluto sila ng umagahan.
"Ang aga mo namang nagising apo, gising na din ba si RA?" bungad sa akin ni Lola nang makarating siya sa kusina.
"Hindi pa po, La. Ayun po, higang-higa pa sa kwarto. Sina Ana at Jekjek po?" tanong ko, may pasok pa kasi ang dalawang yun.
"Ah oo nga, may pasok nga pala sila. Saglit at aakyatin ko" paalam ni Lola.
Pinagpatuloy ko naman ang pagluluto ng sinangag, meron din akong ginawang pancake na paborito naman ni RA, may hotdog, meatloaf, at itlog din akong ipinrito kanina.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficção GeralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...