Kabanata 45

184 16 20
                                    

KABANATA 45:

Raphaelle Ilorgen


Mabilis lumipas ang mga araw, halos lagi pa ring nandito sa ospital si CA, dahil sa malapit na din ang installation na gagawin ng kompanya nila.


Lagi pa rin kaming nagkikita dito, at hindi din siya nakakalimot na ayain akong kumain tuwing break time namin.


Hindi ko nga alam kung makabubuti ba sa akin na nandito siya, malapit sa akin o hindi. Natatakot na din kasi ako, alam kong sa ilang taon na lumipas hindi pa rin ako tuluyang nakamove-on.


Naiinis ako sa sarili ko dahil siya, parang wala lang sa kaniya yung nangyari, umaakto siya na parang wala siyang nagawa noon. Samantalang ako, hindi pa rin mapakali ang nararamdaman ko tuwing malapit siya sa akin, natatakot pa rin ako.


Ang unfair ng mundo!


Ilang beses na din siyang nagtangka na kausapin ako at mag-explain siya sa mga nagawa niya, pero hindi ako pumapayag.


Hindi ko maintindihan ang sarili ko.


Hindi ba ako pumapayag dahil sa natatakot akong malaman ang katotohanan sa pag-iwan niya sa akin at pagpili kay Ate Geka?


O


Hindi ako pumapayag dahil kapag nasabi na niya yung side niya, alam kong wala na din, tapos na talaga kami. Wala na siyang hahabulin sa akin dahil nasabi na niya yung mga dapat niyang sabihin.


Natatakot ba akong matapos na kami nang tuluyan? Pero matagal naman na kaming tapos, mula noong hindi niya ako pinili.


Tuwing bumabalik sa alaala ko ang mga pangyayaring yun, gusto ko nalang iuntog ang ulo ko. Ilang taon akong binagabag ng mga alalahanin na yun, pero halos lagi pa rin itong sumasagi sa isip ko.


"Raph, una na ako. May date pa ako eh" natatawang paalam sa akin ni Chesca, kaya tumango naman ako sa kaniya.


"Enjoy!"


Nauna na itong umalis sa opisina at ako nalang ang natira dito, kaya naman inayos ko na din ang mga gamit ko para makauwi na rin.


Alas-singko palang naman ng hapon, habang pababa ako ay pinag-iisipan ko pa kung bibilhan ko ba ng pasalubong sina Lola o hindi na.


Paglabas ko ng lobby ng ospital, nagulat ako nang makita ko si Ab at RA na nag-aabang sa labas. Bigla akong kinabahan, dahil ang alam ko ay nandito pa si CA sa ospital.


"Nanay!" sigaw pa ni RA, kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.


Natataranta akong lumapit sa kanila, at bumaling ako kay Ab.


"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko kay Ab, napatingin pa ako sa likod at gilid para siguraduhin na wala si CA.

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon