KABANATA 2:
Raphaelle Ilorgen
Tatlong araw na ang nakalipas mula noong makilala ko si Mannix, na siyang naging una kong kaibigan.
Walang masyadong nangyari sa unang tatlong araw ko sa unibersidad na ito, dahil sa, sabi nga ni Mannix, first week palang naman daw ng klase, kaya wala pa talagang pumupuntang professor sa amin.
"Good Morning Raph" bungad naman ni Ivy, na isa din sa nakilala ko at naging kaibigan ko sa paaralang ito.
Pareho kaming probinsyana, dahil, mula naman siya sa Nueva Ecija.
"Good Morning din" nakangiting tugon ko sa kaniya.
"Nakapagsulat ka na ba sa attendance?" tanong niya. Umiling naman ako bilang tugon.
Nagtungo siya sa teacher's table at kinuha ang papel na nakapatong doon, na sa pagkakaalam ko ay attendance nga ng block namin.
"FERRER, Ivy Lalaine, VILMOUZA, Raphaelle Ilorgen" pagbabanggit ni Ivy, habang nagsusulat siya sa attendance namin.
"Ivy, pasulat na din ako, Good morning sa inyong dalawa" bungad naman ni Mannix, na halatang tumakbo ata mula sa first floor hanggang dito sa third floor.
"MENDOZA, Mannix Mathieu" pagbabanggit ulit ni Ivy.
Umupo si Mannix sa tabi ko, at nagpunas ng pawis sa mukha niya.
"Oh bat pawis na pawis ka?" tanong ni Ivy.
Bumuntong hininga muna siya bago tumugon.
"Akala ko kasi may professor na, ito kasing si Raph, hindi nagrereply sa text ko." tugon ni Mannix.
Nagulat naman ako sa sinabi niya, at agad na kinuha ang cellphone ko upang tignan. At may 6 new messages nga na galing kay Mannix.
"Pasensya na Mannix, hindi ko kasi napansin. Nakatago kasi ang cellphone ko" tugon ko.
Tumango-tango naman si Mannix sa akin.
"Okay lang, alam ko namang hindi mo yan laging hawak." tugon naman niya sa akin.
"Wala pa rin daw bang darating na prof?" tanong ko.
Nagkibit-balikat lang naman si Mannix.
"Hindi ko din alam, pero mag-iisa't kalahating oras na tayo dito. Baka naman wala na namang dumating? Kain muna kaya tayo?" tanong ni Ivy.
Tumingin naman ako kay Mannix.
"Ano tara?" tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficción GeneralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...