KABANATA 42:
Raphaelle Ilorgen
"Nanay, tara na!"
Hinila-hila pa ni RA ang damit ko para makalabas na kami ng kwarto.
"Saglit nalang, baby" sabi ko sa kaniya, pero nauna na ito sa akin at lumabas na ng kwarto.
Humarap ako sa salamin at nagsuklay ng basa ko pang buhok, kahapon pa kasi nagmamaktol si RA na magpunta naman daw kaming mall, kaya naman pumayag na ako ngayon.
Tinignan ko ang suot ko sa salamin, at kinuha na ang sling bag na nakasabit sa dingding.
Ilang buwan na din ang lumipas mula noong grumaduate ako. Ang sarap sa pakiramdam, kasi halos noong una'y akala ko hindi na talaga ako makakabalik sa pag-aaral.
Akala ko hindi ko na matutuloy ang kurso at pangarap ko, pero heto nga, graduate na ako sa kursong Bachelor of Science in Electronics Engineering.
Napangiti nalang ako kahit na alam kong walang nakakakita sa akin.
Ilang buwan nalang din at board exam na namin, kaya naman sobrang busy pa rin ako ngayon kahit na nakagraduate na.
Nag-enroll pa rin kasi ako sa Review Center, pero hindi ko naman binitiwan ang trabaho ko. Mabuti na nga lang at mabait ang manager namin at naiintindihan ang kalagayan ko.
Lumabas na ako sa kwarto, dahil baka nagmamaktol na yung bata sa baba.
Pagkababa ko, nakita ko nga ang nakabusangot nitong mukha sa akin, kaya natawa ako.
"Nanay, tagal" sabi pa nito sakin, kaya lalo akong natawa.
"Ikaw talaga, oh tara na" sabi ko sa kaniya, at kinuha na ang isang kamay nito.
Naglakad na kami palabas ng bahay, at dinaanan pa si Lola Ester sa booth, dahil nagbabantay siya ngayon. Umagang-umaga kasi nagpumilit itong si RA.
"Lola, alis na po muna kami. Balik po kami bago magtanghalian" paalam ko kay Lola, nagmano lang naman si RA sa kaniya.
"Sige, mag-iingat kayo ha?" bilin ni Lola sa amin.
"Bye, Lola Estew" sabi ni RA kay Lola, kaya natawa si Lola.
"Bye bye, RA!" sagot naman ni Lola sa kaniya, bago kami naglakad palabas ng garden.
Sumakay lang kami ni RA ng jeep papunta sa mall, habang nasa biyiahe nga ay nakatulog pa ito, kaya isinandal ko ang ulo nito sa akin.
Nang makarating kami doon, ay sakto din ang gising niya kaya tuwang-tuwa itong lumabas ng jeep.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficção GeralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...