Panimula

1.3K 168 39
                                    

Sa ngalan ng pag-ibig,

Meron talagang mga pagkakataon na mabubulag ka,

Magiging masaya ka, pero hindi sa lahat ng bagay,

Gagawin mo ang lahat para lang mapasaya siya,

Gagawa ka ng mga bagay na kahit na noong una'y hindi mo pa nagagawa,

Makakaranas ka ng mga pangyayari at sakit na sa oras na yun mo palang mararamdaman,

Masasaktan ka, iiyak at magdurusa.


Magiging matapang kang sumubok sa lahat, kahit na hindi mo alam ang magiging resulta,

Magiging matapang kang humarap kahit na alam mong hinding hindi ka mananalo,

Makakaya mo ba?


O susuko ka agad, dahil alam mong walang tiyansa?

Ipagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo,

Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito?

O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo?


Dahil lagi mong tatandaan,

na hindi sa lahat ng oras,

May sasalo sayo.

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon