Dedicated to: EvilSilvenia
KABANATA 29:
Raphaelle Ilorgen
Naging maluwag na ang mga sumunod na araw para sa amin. Dahil nga sa tapos na ang final exams, at naghihintay nalang sa mga grades namin sa portal.
Ngayong week na din daw ipapaskil sa bulletin board ang dean's list o top students, kaya nag-aabang din kami lagi nina Ivy at Mannix.
Napagkasunduan naman namin na pumasok ngayon, at tumambay sa university. Wala na din kasi akong magawa, at ganun din naman sila.
Pagkarating ko sa VU ay agad akong dumiretso sa Engineering Library, nasa labas palang ako ay ramdam ko na ang tahimik na lugar dahil na din sa wala nang masyadong mga estudyante na nandito.
Pagkapasok ko doon, ay halos wala ding masyadong tao. Nagsibakasyon na nga ata talaga sila. Napatingin ako sa lagi kong pwesto, at napansin ang lalaking tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.
Kinuha nito ang sling bag niya, at inilagay ang isang pares ng earphone sa kaliwang tenga nito. Nagulat ako nang bigla itong humarap sa akin, si CA pala 'to.
Tumingin siya sa kinaroroonan ko, at diretsong naglakad. Mariin ang tingin nito sa akin, nang malapit na siya sa akin, ay nginitian lang ako nito, ibinaba ko naman ang tingin ko sa kaniya.
Mabagal akong naglakad, at nilagpasan siya nang matigil ito sa paglalakad niya.
Hindi pa man ako nakakalayo, ay bigla nitong hinawakan ang braso ko, kaya napaharap ako sa kaniya. Biglang kumalabog ang dibdib ko nang dumapo ang kamay niya sa braso ko.
"Can we talk?" biglang tanong nito sa akin, pilit akong ngumiti sa kaniya. Namiss ko ang boses nito.
"May gagawin pa ako" sagot ko sa kaniya, at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko.
Agad akong tumalikod at naglakad papunta sa dulong bahagi ng Engineering Library, ang lakas ng tibok ng puso ko! Narinig ko naman ang pagsara ng pintuan ng Library, napabuntong hininga nalang ako.
Tumambay lang ako sa library, hanggang sa mainip ako dahil sa wala pa rin sina Ivy at Mannix!
Nagtext ako kay Ivy para tanungin kung nasaan na siya, mabilis naman itong nakapagreply sa akin.
From: IVYutipol
Papunta na ako jan, labas ka na!
Napakunot ako nang makita ang pangalan nito sa cellphone ko, sinong nagpalit nito?
Lumabas ako agad sa Library para hintayin siya, nakita ko naman agad ang bulto nito na papalapit sa akin.
"Ikaw nagpalit ng pangalan sa phone ko no?" tanong ko agad sa kaniya pagdating niya.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Fiksi UmumIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...