KABANATA 3:
Raphaelle Ilorgen
Isang linggo ang mabilis na dumaan sa buhay ko, at sa isang linggong yun, ay wala din namang masyadong nangyari sa pang-araw-araw kong pamumuhay.
Bukod sa lagi kaming naghihintay na dumating ang mga professor namin, pero sa bandang huli. Wala pa rin.
Bukod din sa pag-getting to know each other naming magkakaklase.
Napagod lang ako sa isang linggong lumipas.
Parang feeling ko, yung isang linggo kong yun, nagiging isang buwan sa sobrang boring.
Mabilis naman kaming nakapagpalagayan ng loob ng mga kaklase namin, kahit na magkakaiba kami halos ng pinanggalingan ay naging masaya naman ang isang linggong pagsasama namin.
"Saturday na bukas, ano na? Ganito nalang ba klase natin lagi? Lagi nalang naghihintay sa wala?" tanong ni Ivy, habang nakasimangot.
"Alam mo Ivy, itulog mo nalang yang pagkabored mo, kasi for sure next week patayan na tayo sa mga subjects natin." sagot naman ni Mannix.
"Good idea." tugon naman ni Ivy, at nilatag ang kaniyang bag sa arm chair, at iniyuko na ang ulo.
Inilibot ko naman ang tingin ko sa buong silid namin, may kani-kaniyang grupo ang bawat isa. Halata mong magkakakilala na nga sila.
Samantalang ako, sina Mannix at Ivy palang talaga ang nakakapagpalagayan ko ng loob.
Hindi naman sa ayokong kumausap ng iba, nahihiya lang talaga ako mag-approach.
Shy-type ang peg ko.
"Labas na muna ako Mannix ha, nilalamig kasi ako dito sa loob" paalam ko kay Mannix, habang busy naman siya sa paglalaro ng kaniyang cellphone.
"Okay dokey, ingat palabas" sabi niya ng hindi tumitingin sakin, ngunit nakangiti.
Tango nalang naman ang naisagot ko sa kaniya.
Lumakad na ako palabas ng silid namin, sa labas nito ay may bleacher naman na maaaring upuan kaya doon na muna ako umupo.
Saktong pagkaupo ko ay may isang babae na sumilip sa room namin.
Napatingin naman ito sa akin, at bigla akong nilapitan.
"Ah hello, Good morning" paninimula nito.
Ngumiti lang naman ako bilang tugon.
"1ECE-1 ba yung mga estudyante sa loob?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Ah opo" tipid ko namang sagot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficción GeneralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...