Dedicated to: pagibigtuwa
KABANATA 27:
Raphaelle Ilorgen
Nakaabang ako ngayon dito sa harap ng dorm ni Ivy, nagtext kasi ito sa akin kanina na sunduin ko nalang siya at sabay daw kaming pupunta sa hall.
Ngayon na ang araw ng ECE Camp 2019 namin, naeexcite ako sa gagawin naming mga activities ngayon, kung anong mga games ang pakulo ng mga Officers. Kahapon pa nga lang din, ay nakapagpatayo na kami ng tents sa gilid ng campus grounds.
Napatingin ako sa gate ng dorm nina Ivy, nang lumabas ito doon.
"Okay lang ba tong suot ko?" tanong nito sa akin, napatingin naman ako sa suot niya, nakajogging pants ito na puti, at red shirt, nakasuot din ito ng manipis na jacket.
"Sure ka diyan sa jogging pants mo?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Kumunot naman ang noo nito sa akin.
"Bakit?" tanong niya, ako naman ang kumunot noo sa kaniya. Hindi ba niya alam?
"Hindi mo ba nabasa sa group kagabi? Nagpost si Ate Rachele, hangga't maaari daw walang magsusuot ng puti na pambaba. May activity ata sa grounds" paliwanag ko sa kaniya, agad namang nanlaki ang mga mata nito.
"Oh no! Putikan, saglit lang!" sabi nito, inabot niya sa akin ang bag niya at patakbong bumalik sa dorm nila, magpapalit na siguro ng jogging pants.
Naghintay nalang ulit ako doon sa kaniya.
From: Mannix
Raph, asan ka? Nasa school ka na?
Nagtipa naman ako ng reply ko sa kaniya,
To: Mannix
Dito sa harap ng dorm nila Ivy, inaantay sya. Lika! :>
Pagkasend ko nun, ay ibinalik ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko. Dumating naman bigla si Mannix sa kinaroroonan ko, kaya si Ivy nalang ang hinihintay namin.
Paglabas ni Ivy sa dorm nila ay nakasuot na ito ng black na fitted pants. Ganun din ang suot ko, at maging si Mannix. Mga natakot sa putik!
"Oh andito ka na!" bungad ni Ivy nang makarating siya sa harap namin ni Mannix.
"Picture ko lang 'to" sagot naman ni Mannix sa kaniya, kaya naman inirapan lang siya ni Ivy. Natawa naman ako dahil sa asaran na naman nilang dalawa.
Naglakad na kami papasok sa VU, wala na kaming klase ngayon dahil sa event na gagawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/167363300-288-k40071.jpg)
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Fiksi UmumIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...