KABANATA 43:
Raphaelle Ilorgen
Mabilis akong naligo at nagbihis, anong oras na at mahuhuli na ako sa review namin ngayong umaga.
Masarap pa ang tulog ni RA kaya naman hindi na ako nagpaalam sa kaniya at dali-daling lumabas ng kwarto.
"Lola, una na po ako" paalam ko kay Lola Ester nang maabutan ko ito sa hapag na nag-aayos.
"Hindi ka pa kumakain" sagot ni Lola sa akin, mabilis naman itong lumapit sa akin at inabot ang sandwich na ginawa niya.
"Kainin mo nalang habang nasa biyahe, mag-iingat ka" bilin pa ni Lola, kaya nakangiti naman akong tumango.
"Salamat po, Lola. Kayo na po muna bahala kay RA" sagot ko kay Lola, at tumango naman ito sa akin.
Halos patakbo na ako nang makalabas ako ng garden, trenta minuto nalang kasi ang natitira, at magsisimula na yung review namin. Magcocommute pa ako, kaya sana lang ay hindi ako malate.
Nakasakay naman ako agad nang paglabas ko ay sakto naman ang pagsalubong ng jeep papunta sa Review Center.
Habang nasa biyahe ay kinakain ko nalang ang sandwich na bigay ni Lola. Ang lagi kasing bilin ni Lola tuwing umaga ay bawal daw ang hindi kumain, dahil ang umagahan daw ang pinakamahalagang pagkain.
Limang minuto nalang ang natitira, at kakababa ko lang ng jeep. Mabilis akong naglakad papasok sa Review Center namin.
Nang makarating ako doon, ay halos puno na ang loob ng room, may mga ibang kasabay kong papasok palang kaya medyo gumaan ang loob ko.
"Huy, may guest na lecturer daw ngayon" rinig kong sabi ng nasa harapan ko nang makaupo ako sa dulong bahagi na ng room.
"Totoo? Lalaki ba?"
"Oo, nagtop din daw yun sa ECE Board Exam noon, at sobrang gwapo!" naririndi ako sa lakas ng bulungan ng mga nasa harap ko, kaya inilabas ko nalang muna ang earphone ko.
Pagkasalpak ko palang nung isa sa tenga ko ay bigla nalang may pumasok sa loob ng review room namin. Siya yung isa sa mga lecturer namin sa Review Center.
Pumunta ito sa harapan at nagsimulang magsalita.
"Hello, Future Engineers! Today, we have a guest lecturer, from Valderama University"
Agad na nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang university namin.
"He is a product of this Review Center, a Magna Cum Laude of Valderama University Year 2019, Top 2 of the 2019 ECE Board Exam.."
Hindi ko na halos mapakinggan ang mga sinasabi ng Lecturer namin, dahil agad na pumasok sa isipan ko ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficción GeneralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...