KABANATA 28:
Raphaelle Ilorgen
"OMG! Tapos na finals, waah! Wala nang sakit sa ulo, ilang araw nalang end of sem na din!" parang nabunutan din ako ng tinik sa dibdib nang mapagtantong malapit na nga palang magtapos ang second sem.
Ang bilis ng araw! Sa susunod second year na din kami, tapos dalawang taon nalang gagraduate na din kami!
"End of sem nga, tapos Summer Class na!" dugtong naman ni Mannix, dismayado namang nangalumbaba si Ivy sa upuan niya nang marinig ang sinabi ni Mannix.
"Oo nga pala, hay!" sagot ni Ivy.
Four years nalang kasi ang curriculum namin sa engineering, yun nga lang, may required kami na summer every year. Kaya bugbog na bugbog din kami.
"Wala naman na klase next week diba?" tanong ni Ivy sa amin, tumango naman ako.
"Maghihintay nalang para sa labasan ng grades sa portal" sagot ko.
"Hay, mabuti naman" tugon niya sa akin.
Halos isang buwan na din ang lumipas mula noong araw na nagtapat ako ng nararamdaman ko kay CA. Nagtapat na nauwi naman sa wala!
Masakit pa rin, tuwing naaalala at naiisip ko yung araw na yun, pero wala na din naman akong magagawa. Kailangan ko nalang din kalimutan, para hindi na maghukay pa nang mas malalim na sugat.
Nagtuon ako ng atensyon sa pag-aaral ko, ginawa kong busy ang sarili ko, para hindi na maalala pa yung nangyari. Akala mo talaga break-up!
Madalas ko na ding makasama si Ab sa Engineering Library, lalo na kapag hindi ko kasama sina Ivy at Mannix. Naikwento ko na din naman sa kaniya yung nangyari, naalala ko pa yung sinabi niya na,
"Magmove-on ka nalang, kahit na wala namang kayo"
Na totoong tumagos sa puso ko, mapanakit din talaga yung si Ab eh.
Madalang ko na din namang makita si CA, o umiiwas lang talaga ako kapag palapit na siya? Tuwing nakikita ko siyang nasa Engineering Library at nasa paboritong pwesto ko, ay umaakyat ako sa Main Library para doon mag-aral. Pag lalapit naman siya sa akin, kapag nakita niya ako ay agad naman akong magpapaalam na may pupuntahan ako o ano.
Para akong tangang umiiwas, eh ako naman tong nagdesisyon na magtapat na ng nararamdaman sa kaniya!
Nang makarating kami sa lobby, agad namang nagpaalam ang dalawa sa akin.
"Babawi pa ako ng tulog! Bye" sabi ni Ivy, kumaway ito sa amin at nagmadaling umalis.
Tumingin naman ako kay Mannix,
"Ikaw?" tanong ko, ngumiti lang siya sa akin.
"Basketball!" sagot niya, kaya naman nagpaalam na din ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...