KABANATA 8:
Raphaelle Ilorgen
Tatlong araw palang ang lumipas, pero parang ang bagal bigla umusad ng panahon.
Tatlong araw na yung lumipas, pero hindi ko pa rin makalimutan yung huling pag-uusap namin ni Kuya CA.
--
"Sige, isip nalang ako ng pwede ko itawag sa'yo. Hmmm" sabi niya at saka umastang nag-iisip.
"Raphaelle lang ba pangalan mo?" tanong niya sa akin.
Umiling naman ako sa kaniya.
"Raphaelle Ilorgen po kuya" tugon ko.
Napatango-tango naman ito at saka ngumiti sa akin.
"Alam ko na, yung Ilorgen, Ilorgen nalang itatawag ko sa'yo. Mas okay yun. Ganda pala ng pangalan mo eh" sabi niya.
Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya, Ilorgen? wala kasi talagang tumatawag sakin nung second name ko na yun, hindi ko din alam kung bakit. Pero, yun ang itatawag ni Kuya Carl? Huh?
"Ayaw mo talaga sa Raph kuya?" tanong ko.
Umiling naman ito, at natawa na naman. Parang ang saya ni Kuya ngayon.
"Pang lalaki kasi yun, tsaka may kaibigan akong Raph ang pangalan. Kaya yung sayo nalang babaguhin ko." sabi niya habang nakangiti.
Bat parang sobrang close naman agad namin ni Kuya Carl?
Anong nagawa ko?
Pero napatango nalang din ako bilang tugon sa kaniya, kahit na parang nawe-weirdohan ako kay Kuya Carl, ngayon.
Tuloy lang naman siya sa pagtipa ng laptop niya.
"So, may telegram ka ba Ilorgen?" pag-uulit nito sa tanong niya kanina.
Umiling naman ako
"Wala po kuya." tugon ko.
Tumango-tango lang naman siya, pero nakatingin pa rin sa laptop nito. Bigla namang may lumapit sa kaniya.
"Oh Gelo, andito ka pala. Natapos mo na---" naputol naman ang sinasabi nito nang mapatingin sa akin, sabay balik ng tingin kay Kuya Carl.
Nakita ko namang kumunot ang noo ni Kuya Carl sa kaniya, at saka sumagot.
"Kapatid ni Roelle." banggit sa kausap.
"Ahhh." ngumiti naman ang kausap niya.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...