Dedicated to: Jeshangot
KABANATA 12:
Raphaelle Ilorgen
Mula noong dumating kami ni CA sa apartment ni Kuya Roelle, ay nararamdaman ko pa rin ang init ng pisngi ko, feeling ko nga pati tenga ko ay namumula na dahil sa ginawa ko.
Bago kami pumunta dito, ay bumili muna si CA kanina ng Pizza, pero hindi na ako sumama sa kaniya sa paglabas, at nanatili nalang sa kotse, dahil nahihiya talaga ako sa nagawa ko.
Sa kaniya naman, parang wala lang? Nung sumulyap nga ako sa kaniya, at nakita niya ako ay ngumiti lang siya sakin.
Ackk!! Lalo tuloy akong nahihiya!!!
"Oh, kanina ka pa nakaupo diyan, halika dito at kumain!" tawag sa akin ni Kuya Roelle.
Kanina pa kasi, mula pagdating namin dito ay sumalampak lang ako dito sa sofa.
Kumpleto silang magkakaibigan ngayon, si Clint, si Xavier, si Raven, si CA, at si Kuya Roelle. Lahat sila may mga dalang pagkain pagkarating dito, kaya naman napuno ngayon ng pagkain ang mesa ni Kuya.
"Pizza Raph oh!" tawag naman sa akin ni Clint.
"Sige lang po, kuya Clint" sagot ko naman.
"Huwag mo na nga tawaging kuya yang mga yan Raph, ako lang ang kuya mo dito" sabi ni Kuya Roelle.
Nagtawanan naman silang apat dahil sa sinabi niya,
"Pabor samin yan!" sagot naman ni Raven, sabay tawa nito.
Napailing-iling nalang naman ako dahil sa kakulitan nila. Napagpasyahan ko na ding tumayo at sumalo na din sa kanila sa pagkain.
Pagkarating ko sa mesa ay inabutan agad ako ng plato ni CA, napatingin naman ako sa kaniya, bago ko ito kinuha. Ngumiti lang naman siya sa akin.
Tuwing nakikita ko siya, naaalala ko yung mahigpit na yakap na ginawa ko sa kaniya!!!
ANO BA NAMAN KASING INIISIP KO NUNG MGA ORAS NA YUN!?
Kumuha na ako ng pagkain ko na nasa mesa. May 3 bucket ng chicken, may spaghetti, meron ding mashed potato at leche plan, tapos may cake pa na may nakalagay na:
CONGRATULATIONS! Ilauve (Top 5) and Johnson (Top 8)
We are so proud of you!!
From: 3 EGGS
Natawa naman ako sa nabasa ko, ang kukulit talaga ng mga kaibigan ni Kuya. Pero teka, sino si Johnson?
"Kuya, sino si Johnson?" tanong ko kay kuya Roelle na nasa tabi ko, habang nagi-slice siya nung cake.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...