KABANATA 11:
Raphaelle Ilorgen
Midterms Week na, at itong araw na ito ang huling araw na ng midterms namin. Grabe na yung pagod ko sa pagrereview, kasi ayoko namang i-risk ang scholarship ko.
Dalawang major Engineering Math pa naman ngayon ang i-eexam namin, kaya di na din mapakali pati mga kaklase ko. Natapos na namin yung Linear Algebra kanina, at ngayon nga ay may 2 hours break kami, bago yung huling subject, na Calculus 1.
"Grabe parang sasabog na yung utak ko" bungad ni Mannix, pagkalabas niya ng room namin.
Hinanap niya agad ako, at nang makita ako sa may bench ay lumapit ito sa akin.
"Ano yung 3 numbers sa dulo?" tanong niya.
Inalala ko naman yung sagot ko dun, at saka siya sinagot.
"Ang sagot ko, 3, 8 at 1 ata yun?"
Hinarap naman niya ako sa kaniya, ay hinawakan ako sa balikat, saka ako niyugyog.
"Taeng yan! Tama ako, Raph!!" sabi niya sa akin, habang nakangiti.
Tumayo pa ito, at saka nag"Yes", bigla namang dumating si Ivy sa harapan namin.
"3, 8, 1?" tanong nito sa akin.
Tinanguan ko naman siya, at saka ngumiti.
Nagtatalon-talon naman ito sa harapan ko, at gaya ni Mannix ay tuwang-tuwa ito. 25 points din kasi ang last part na yun, at malaking puntos na yun, bilang pondo.
Bigla namang humarap sa akin si Ivy, at saka ako niyakap.
"Thank you sa mga notes mo Raph, at sa pagtuturo sakin" sabi nito, saka lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
Yumakap na din sa amin si Mannix.
"Oo nga, thank you Raph!" sabi nito.
Niyakap ko naman ang dalawang kaibigan ko, I am so blessed also to have them. Kumalas naman kaming tatlo sa yakap at nag-aya na nga si Mannix na kumain.
"Tara na sa canteen, mamamatay na din ako sa gutom" sabi niya, pagkatapos ay hinila na kami pababa mula sa 3rd floor.
Nang makarating kami sa canteen, ay nag-order naman kami agad ng makakain. Nang mapansing puno ang canteen ay napagdesisyunan ni Ivy na sa Garden nalang kami kumain, tutal may mga sheds doon na pwedeng magtambayan.
Pagkalapag ng mga pagkain namin, ay nagsimula na ngang kumain yung dalawa. Halatang gutom na gutom.
"Grabe, isang subject nalang!" sabi ni Mannix, habang puno ang bibig ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficção GeralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...