Kabanata 25

131 27 14
                                    

*Play the video while reading

KABANATA 25:

Raphaelle Ilorgen


From: CA

Ilorgen, got the guitar. Daan ka sa room?


Agad bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang text nito sa akin, nitong mga huling araw kasi ay tinutulungan ko itong magdesisyon para sa talent niya, sa question and answer naman ay alam kong kaya na niya yun! Talino niya kaya.


Sabi niya ay kakanta nalang daw siya at maggigitara. Hindi ko pa nga ito naririnig kumanta, dahil tuwing sasabihan ko siya, ang lagi niyang sagot, sa mismong event nalang daw?


Paano ko siya tutulungan?


Pero heto nga at nagtext ito sa akin, kakatapos lang din ng klase namin kay Sir Moreno.


"Tara muna sa canteen? Nagugutom ako!" aya ni Mannix sa amin.


"Tara!" pagsang-ayon naman ni Ivy.


Daanan ko na muna kaya si CA sa room nila?


"Una na muna kayo sa baba, sunod ako, may dadaanan lang ako" paalam ko sa kanilang dalawa.


Agad na ngumisi sa akin si Ivy, at tinaasan pa ako nito ng kilay!


"Oh sige, sunod ka agad ha?" nakangiting sabi nito sa akin.


Nagpaalam naman na sila, at sabay na bumaba papunta sa canteen.


Ako naman, ay pumunta na sa room ngayon nila CA, sa third floor din sila ngayon, at di naman kalayuan sa room namin.


Nang makarating ako sa pintuan nila, ay agad akong sumilip sa salamin nito, nandito din ang ilan sa mga kaklase niya. Agad na natanaw ko siya na nakahawak ng gitara sa dulo, malapit sa whiteboard.


Lumipat ako sa kabilang pintuan, sa likod na bahagi ng room, para hindi niya ako agad makita. Dahan-dahan kong binuksan ito, at rinig kong agad ang tunog ng gitara, ang galing niyang tumugtog. Sinilip ko siya mula sa kinaroroonan ko, at nakitang nakatingin lang ito sa nasa tapat niya.


Agad na kumunot ang noo ko, habang kumakanta kasi ito, ay seryoso ang tingin nito sa kung sino man ang nasa harap niya.


Sinilip ko ang taong yun, bigla namang bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko kung sino yun.


Si Ate Geka.


Nakatitig lang sa kaniya si CA, habang kumakanta ito.


Sumikip ang dibdib ko, hindi ko alam, pero nasasaktan ako sa nakikita ko.


Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon