Dedicated to:
KABANATA 23:
Raphaelle Ilorgen
Pagkababang-pagkababa ko ng jeep, ay mabilis naman akong naglakad papasok sa VU.
Natapos na naman ang bakasyon, at ito na naman kami, Second Semester na, ang bilis ng panahon, konti nalang magiging Engineer na din ako!
Biglang nagvibrate ang cellphone mula sa bulsa ko, kaya naman kinuha ko ito agad.
"Hoy Raph! Asan ka na ba? Napakabagal mo!" bungad sa akin ni Ivy sa tawag.
"Eto na nga, naglalakad na, bakit ba? Andiyan na ba prof?" tanong ko, pero narinig ko lang itong impit na napatili.
"Nasa lobby ako, andito kasi si Mr. Snow White, hinahanap ka sa akin" sabi nito na ikinagulat ko.
"Oh sige sige, andiyan na" sagot ko sa kaniya, at mabilis na naglakad.
Nang makarating ako sa lobby, ay agad ko namang natanaw si Ivy, at kasama nito si Ab.
"Oh, Hi!" bati ko kay Ab, nang makarating ako sa harapan nila, nginitian naman ako nito.
"May ibibigay lang ako sa'yo" sabi nito, at saka iniharap ang bag nito sa akin.
May inilabas itong box? na nakabalot ng blue at dark blue na papel. Iniabot naman niya ito sa akin.
"Ano to? Para saan to?" tanong ko sa kaniya, nang makuha ko yun.
"A gift?" sagot niya, na ikinunot naman ng noo ko.
"Gift?" pag-uulit ko sa sinabi niya.
Ngumiti ito sa akin, "A New Year's Gift, for being such a good friend" sabi nito, napaawang naman ang bibig ko sa kaniya.
"Thank you, Ab" pagpapasalamat ko, ngumiti lang ito ng malawak, at sumaludo.
"Una na ako sa inyo!" paalam nito sa amin. Humarap naman ito sa akin bago ito umalis,
"You're always welcome"
Nang makaalis si Ab sa harap namin ni Ivy, ay bigla nalang ako nitong sinundot sa tagiliran.
"Ayie, bait talaga nun ni Mr. Snow White" sabi ni Ivy sa akin.
Ngumiti naman ako sa kaniya, "Sobra, akyat na tayo?" sagot ko sa kaniya.
Hindi naman ito gumalaw, at nagtipa lang sa cellphone niya.
"Papunta na daw dito si Mannix, sabi sa GC" sabi ni Ivy sa akin, kaya naman hinintay nalang din namin si Mannix dito sa lobby.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Fiksi UmumIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...