KABANATA 49:
Raphaelle Ilorgen
"I'll be there at nine am, love" sagot sa akin ni CA sa tawag.
"Oh, ulitin mo ulit mga gagawin"
"Nine-thirty in the morning, we will have to meet my parents for an early lunch, and after that we will go back to Lola's house to get all the things you need. We will wait for Roelle to pick-up Lola Ester and the kids, and we'll go to Pangasinan to meet your parents, and to get married"
Naubo ako sa kinakain ko dahil sa huling sinabi niya, kaya inabutan agad ako ni Ana ng tubig.
"Ano? Hindi naman kasali yung huli ah" sabi ko sa kaniya, at uminom ulit ng tubig.
"You never know" sagot nito sa akin, at biglang natawa sa kabilang linya, para tuloy akong naestatwa dito sa kinauupuan ko dahil sa natigil ako sa pagkain.
"Kidding, go and eat, and eat again on the early lunch meet" sabi nito, habang tawa ulit nang tawa.
Naiinis na ako sa pang-aasar niya,
"Bahala ka diyan" sagot ko, at pinatay na ang tawag.
Tinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain ko, at kay RA na kumakain na din mag-isa sa tabi ko. Nakita ko ang biglang pag-ilaw ng cellphone ko.
From: CA
I'm just joking, sorry, love. Love you
Napangiti nalang ako dahil sa text niya, marupok!
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na ako sa kwarto para paliguan at bihisan si RA, pagkatapos ay sumunod na din akong naligo at nag-ayos.
Ito na ang pangalawang kita namin sa mga magulang ni RA, gustong-gusto nilang panggigilan si RA, dahil sa taba ng pisngi. Hindi nga makapaniwala si Tita Vane na may apo na daw siya, at Lola na nga daw siya.
Maayos at masaya naman kaming tinanggap ng mga magulang at mga kapatid ni CA, sobrang saya din ni Tita Vane na malaman na nagkabalikan na kami, dahil botong-boto daw siya sa akin.
Napatingin ako sa maleta na dadalhin namin papuntang Pangasinan. Kagabi ko pa ito naayos, at nakahanda nalang dito sa kwarto, isang linggo din kasi kami doon. Mabuti nalang din at pumayag ang head namin na magleave ako.
Sobrang bilis ng araw, magtatapos na naman ang taon sa mga susunod na linggo, parang kelan lang.
Nakatawagan ko naman sina Nanay noong nakaraang araw dahil kay Kuya Roelle. Pero kinakabahan pa rin ako ngayong uuwi kami dahil ito ang magiging unang pagkikita namin matapos ang nangyari.
"Raph, andiyan na si CA" katok sa akin ni Lola, mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...