KABANATA 33:
Raphaelle Ilorgen
"When any number of voltage sources of arbitrarily generated voltage and finite integral resistance different from zero are connected in parallel, resulting volta—"
"Millman's Theorem"
Nakatingin pa ito sa mga mata ko nang banggitin niya ang sagot niya. Dinala ko siya ngayon dito sa Vernier Garden, dahil alam kong stress na din siya sa pagrereview niya, pero pagdating namin dito nagreview naman kami ulit!
Nagustuhan naman niya itong garden, at sinisi pa ako na bakit daw ngayon ko lang siya dinala dito, natawa nalang ako.
"Another name for step-recovery diode"
"Charge Storage Diode"
Kaswal na sagot ulit niya, kunot noo kong binigay sa kaniya ang reviewer na pinahawak niya sa akin kanina.
"Parang alam mo naman na ata lahat ng laman niyan!"
Tinawanan ako nito, ipinulupot niya ang isang kamay niya sa beywang ko, at lalo akong inilapit sa tabi niya.
"Bakit mo kasi binabasa yan, love?" tanong niya sa akin, kaya napatingin ako sa kaniya.
"Eh binigay mo sa akin, akala ko rereviewhin kita" sagot ko, napahagikgik nalang ito, at inilagay ang baba niya sa balikat ko.
"It's calming and peaceful here" sabi nito.
Tumango naman ako, at dinama ang malakas na pag-ihip ng hangin. Hindi si Lola Ester ang nakabantay kanina sa booth, kaya hindi ko din siya nakita.
"Anong plano mo pagkatapos mong magboards?" tanong ko, nanatili lang kami sa ganoong pwesto.
"Well, I will be working on my Dad's company, but I want to work on hospitals"
Napatango ako, Biomedical kasi ang kinuha niyang track, at sinabi na din niya sakin noon na gusto talaga niyang magtrabaho sa ospital.
"Ikaw? Saan sa tingin mo mas okay?" tanong ko, nakapatong pa rin ang baba nito sa balikat ko.
"My Dad is the owner of Vallejos Technology, which is the famous and number one technology supplier and innovator in our country, and also some countries in Asia. Okay lang din naman kung doon ako magtatrabaho, dahil may Biomedical Technology Department ang kompanya, and Dad told me that if ever I will work on our company, I will be the Head Engineer on that department"
Lalo akong namangha dahil sa mga sinabi nito, sobrang yaman din pala talaga nila CA, napaisip tuloy ako sa mga magulang niya. Mabait kaya ang mga magulang ni CA?
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Narrativa generaleIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...