Kabanata 46

167 17 8
                                    

KABANATA 46:

Raphaelle Ilorgen


Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang marinig ang lakas ng tawa ni RA mula sa sala, napatingin ako sa relo na nasa tabi ko at nakitang alas-nwebe na pala ng umaga.


Inaantok pa rin ako dahil sa ginabi na kami ng uwi kagabi galing sa ospital dahil sa may inasikaso kaming project na ilo-launch na sa susunod na buwan.


Tumayo na ako at inayos ang higaan namin, bago ako lumabas ng kwarto. Pagkababa ko, ay nakita ko sina RA at CA na naglalaro sa sala, pawis na pawis na si RA dahil sa kakatakbo nito.


"Good morning" bati sa akin ni CA nang makita akong pababa mula sa kwarto namin, nginitian ko naman siya bago ako nagtungo sa hapag namin.


Nagulat ako nang may nakalapag doon na chocolates at bouquet ng blue rose, kunot ang noo kong kinuha ang chocolate at inilagay sa ref. Napatingin naman ako sa card na nakalagay sa bouquet.


You are the most precious charm that I found.

-CA


Nag-init bigla ang mukha ko nang mabasa ang sulat doon, at napatingin kay CA na ngayon ay nakikipaglaro pa rin kay RA.


Nitong mga nakaraang linggo, halos lagi siyang may mga dala para sa akin. Kung anu-anong pakulo ang ginagawa niya, may mga chocolates, may mga bulaklak, may sling bag pa, at kung anu-ano pang maisipan niya.


Hindi din nawawala ang card sa bawat araw na may mga lamang messages o quotes na sa tingin ko ay siya mismo ang gumagawa.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa mga ginagawa niya. Natatakot akong bumalik na naman ang nararamdaman ko sa kaniya.


Napatingin ako sa kanilang dalawa habang abala sila sa kotse-kotse na nilalaro nila.


"Kumain na ba kayo?" tanong ko kay CA, napatingin naman siya sa akin.


"Yes po, Engineer. Ikaw nalang" sagot niya at nakipaglarong muli kay RA.


Lumapit ako sa mesa at nakita ang breakfast meal doon na tinake-out sa Mcdo. Napakagalante talaga ng isang 'to. Umupo nalang ako doon at nagsimula nang kumain.


Pagkatapos kong kumain, sinamahan ko nalang din sila sa sala at pinanood habang naglalaro.


Ang saya nilang panoorin, lalo ding kumulit si RA ngayong nakilala niya ang Tatay niya.


Pagkatapos nilang maglaro ay lumapit sa akin si RA, biglang tumalon papunta sa kinauupuan ko.


"Nanay, punta kaming mall ni Tatay" sabi niya sa akin.


Napataas lang din naman ang kilay ko sa kaniya, at tumingin kay CA, nginitian lang ako nito at nagkibit balikat.


Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon