Kabanata 16

155 44 10
                                    

Dedicated to: @psssssttttt_hoy, @sshhhee12, and 

KABANATA 16:

Raphaelle Ilorgen


Ilang araw akong binagabag sa nakita ko. Ilang tanong ang naglayag sa isip ko, na hindi ko din naman masagot dahil, wala naman akong masyadong alam sa relasyon nila.


Nagsisisi nga ako, bakit ba kasi ako bumaba sa jeep nung araw na yun?


Bakit ko ba kasi sila sinundan?


Totoo nga yung "Curiosity killed the cat" kasi ngayon, pinapatay na ako ng konsensya ko dahil sa nakita ko.


Nakokonsensiya ako kay CA, dahil hindi ko naman masabi sa kaniya yung nalaman ko, wala naman akong karapatang sabihin sa kaniya, at lalong wala akong karapatang maki-alam sa relasyon nila.


Pero habang lumilipas yung araw, at hindi pa rin maalis sa isip ko yung pangyayaring yun, ay hindi din ako tinatakasan ng konsensya ko.


Mabuti na nga lang at hindi na nagcha-chat si CA sa akin, yung huling chat nito ay noong nag-sorry siya dahil sa hindi niya ako napansin.


Pinagpapasalamat ko nalang ding hindi siya nagcha-chat, dahil parang hindi ko siya kakayaning makausap nang may alam akong hindi niya nalalaman.


Hay, bakit ko ba kasi nasaksihan yun? Kasalanan ko din eh.


Habang naglalakad papunta sa main building ay nakatingin naman ako sa cellphone ko, tinitignan kung may text o chat sina Ivy at Mannix.


Baka kasi wala na naman palang klase, at papasok na naman akong mag-isa.


"Ay palaka!" bulalas ko nang may tumapik sa balikat ko.


"Ab naman, huwag kang nanggugulat, kinabahan ako sa'yo" sabi ko sa kaniya.


Natawa naman nito sa naging reaksyon ko.


"Sorry, nakatutok ka kasi sa cellphone mo eh" natatawang sabi nito.


Sumabay na din siya sa akin sa paglalakad.


"Anong oras ang klase mo?" tanong nito nang paakyat na kami sa hagdan papuntang second floor.


"8, ikaw?" sagot ko naman sa kaniya, napatingin ako sa relo ko at 7:40 palang naman.


"7:30, o siya mauuna na ako. See you around" natatawang sabi nito nang makaakyat kami sa third floor, nagmadali naman itong naglakad.


7:30 pala ang klase nun, late na siya nako talaga. Kumaway pa ito sa akin, saka ito dumiretso sa kaliwang direksyon, sa kanan naman ako.


Payapa akong naglalakad papunta sa room namin nang bigla namang sumulpot si Ivy sa tabi ko, hingal na hingal ito, tumakbo ata, pero di pa naman kami late ah?

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon