Dedicated to: @PrincessTuazon8
KABANATA 14:
Raphaelle Ilorgen
Matapos ang try-out ni Mannix, na may tinatago naman palang galing sa pagbabasketball ay sabay-sabay naman kaming bumaba para magsiuwi na.
"Grabe Mannix, hindi ko alam kung nagfe-feeling ka lang samin kanina sa padisappoint-disappoint mo" sabi ni Ivy, sabay irap kay Mannix.
Natawa naman kami ni Mannix dahil sa naging asta nito, kanina pa siya hindi makapaniwala na sobrang galing pala talaga ni Mannix magbasketball. Yung unang play-offs game nila na 3 by 3, ay kinuha na agad siya nung coach para sa team.
"Eh malay ko ba, baka kasi hindi ako mapili" pagdepensa naman ni Mannix, pero hindi talaga natinag si Ivy sa kaniya.
"Anong hindi mapipili, feeling ko nga, unang takbo mo palang kanina nakuha ka na agad nung coach"
Tawa ako nang tawa dahil sa mga pinagsasabi ni Ivy, bahala silang dalawa diyan magtalo. Bigla namang tumunog ang cellphone ko, kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ng palda ko.
Carl Angelo Vallejos
Ilorgen? No pansin?
Ito ang message na bumungad sa akin, hala!
Hindi nga pala ako nakapagreply kanina.
typing.....
At may pahabol pa ngang message,
Carl Angelo Vallejos
Ilorgen? No pansin?
Wao, rhyme. I can be a poet huh?
Bigla naman akong natawa dahil sa nabasa ko, kaya naman napatingin ang dalawang nagtatalo sa akin.
"Oh? Anong problema?" tanong agad ni Ivy sa akin, habang tinatakpan ang bibig ni Mannix. Anong problema ng dalawang to?
"Wala, may nakita lang akong meme" pagdadahilan ko sa kaniya, at nagpatuloy na nga kami sa paglalakad.
Nakita ko namang tinanggal ni Ivy ang kamay niya sa bibig ni Mannix, at nagsimula na naman silang magtalo. Ahh, yun pala ang purpose!
Nagtipa naman ako ng irereply kay CA.
Raphaelle Ilorgen Vilmouza
Sorry, nanood kasi kami ng tryout ng basketball, nalimutan ko replyan.
Saan mo nga pala nalaman na may advance reading activity kami?
HAHAHAHAHAHAHAHA, you can if you want.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...