KABANATA 9:
Raphaelle Ilorgen
"Basta, huwag niyo lang kakalimutan yung mga basic, kasi yun yung gagamitin niyo na foundation sa mga Engineering Math na naeencounter niyo ngayon. Lalo na pag tungtong niyo na sa mga major at higher maths niyo." pagpapaliwanag ni Kuya CA sa amin.
Namangha ako sa mga ginawang pagtuturo ni Kuya CA sa amin. Nanguha siya nung ibang mga problems na sinasagutan namin.
Pero, nung siya na yung sumagot, parang ang dali nalang bigla sagutan. Naintindihan ko din naman ng malinaw, kaya nagsulat at nagtake notes naman ako, para na din may maibigay ako kina Ivy at Mannix.
"May mga tanong pa ba kayo?" tanong ni Kuya CA, at sabay tingin sa relo niya.
Napatingin din ako sa relo ko, at 6:50 na din pala. Hindi ko din naman napansin na ang tagal na pala naming nag-aaral dahil, nag-eenjoy ako sa ginagawang pagtuturo ni Kuya.
Nung wala namang sumagot sa amin, at tanging iling lang ang natanggap ni Kuya ay nagpaalam naman na din ito,
"Sige, hanggang diyan nalang muna tayo. Babalitaan nalang siguro kayo ni Rachele kung kelan yung susunod ninyong Tutorial. Salamat" pagpapaalam niya.
Nagpasalamat lang din naman kami sa kaniya, at nagsitayuan na ang iba kong mga kaklase para umuwi.
Inayos ko naman ang mga gamit ko, at inilagay ito sa bag ko.
Tinignan ko din ang cellphone ko kung nagtext ba si Kuya sa akin, pero wala na din naman itong text.
Nang nailagay ko na lahat ng gamit ko sa bag ko, naupo lang naman ako sa inuupuan ko kanina pa.
Nahihiya kasi akong i-approach si Kuya CA.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mong kumain?" tanong nito sa babae na pumasok kanina.
Lumapit lang din naman yung babae sa kaniya, saka hinigit ni Kuya CA papunta sa kaniya.
Girlfriend ba to ni Kuya?
"Hindi na Ge, uuwi nalang ako. Nagluto din kasi si Mommy ngayon, kaya alam mo naman, kailangan perfect attendance kami dun." tugon nung kausap niya, saka pinisil yung ilong ni Kuya CA.
Bigla naman akong na-awkward dahil sa nakita ko, kaya napagdesisyunan kong lumabas nalang muna ng classroom.
Pero nung pagkatayong pagkatayo ko palang, bigla naman akong tinawag ni Kuya CA.
"Oh Ilorgen, sasabay ka sakin diba?" tanong ni Kuya CA.
Hindi pa rin ako sanay na Ilorgen ang tawag sakin nito.
Humarap naman ako sa kaniya, at saka tumango.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficción GeneralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...