Kabanata 22

149 41 11
                                    

Dedicated to: 

KABANATA 22:

Raphaelle Ilorgen


Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ang lumipas, ilang araw ng sumasagi sa isip ko ang eksenang yun, yung paghahabol ni CA kay Ate Geka, pero hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako.


Ganito ko na ba siya ka-gusto?


Sa mga araw na lumipas na yun, ay ganoon din ang bilang ng araw na hindi na siya nagpaparamdam sa akin, hindi na niya ako chinachat o tinetext at kinakamusta.


Sino nga ba ako? Sino ba ako sa buhay niya? Wala naman, pero bakit ako nasasaktan ngayon!?


Dinala ko ang pagdadamdam na iyon hanggang dito sa Pangasinan, nandito kami ngayon sa Asingan Farm, kasama ko sina Kuya Roelle, si Nanay at Tatay.


"Raph, picturan mo nga sina Nanay doon sa may tent" utos sa akin ni Kuya, agad naman akong lumapit kila Nanay, na ngayon ay nasa tent na nga.


"Nako, parang teenager lang Nay ah" nakangiting pagbibiro ko sa kanila.


Nginitian naman nila ako pabalik, isinakbit naman ni Tatay ang kamay nito sa balikat ni Nanay. Ang cute nilang tignan!


"Minsan lang tayo makapamasyal ng ganito nak" sabi nito sa akin.


Sinenyasan ko naman silang dalawa na ngumiti, para makuhanan ko sila ng litrato dito sa cellphone ko.


Ngiting-ngiti naman sina Nanay at Tatay, kaya tuwang-tuwa ako sa naging kuha ko sa kanila.


"Ang cute niyong tignan" lumapit ako sa kanila, at ipinakita ang litrato.


"Isa pa, Nay, Tay" sabi ko, at ngayon naman ay nakapogi sign si Tatay samantalang si Nanay ay nakapeace sign.


"Parang mga binata't dalaga ah, kapatid ba natin to, Raph?" sabi ni Kuya nang lumapit ito sa amin.


Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi nito, ito yung lagi kong namimiss tuwing nasa QC ako, kumpletong pamilya, masayang nagkukwentuhan at magkakasama, maaliwalas na paligid.


Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng Asingan Farm, hindi pa ito gaanong yari, pero maganda na ang naging pagkakaayos dito.


Puno ng iba't ibang bulaklak ang paligid nito, kahit na papasibol palang ang iba ay nakadagdag ganda na rin sa paligid.


Kinuhanan ko ng litrato ang lawak ng lupain nito, maging ang mga bulaklak na kanina pa itinatangay ng hangin.


"Kuya, papicture ako" tawag ko kay Kuya Roelle, agad naman itong lumapit sa akin.


Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon