KABANATA 48:
Raphaelle Ilorgen
Pagkagaling ko sa CR ay masayang bumungad sa akin si Chesca nang makapasok ako sa opisina.
"Raph! May nagpadala sa'yo" sabi nito sa akin, napakunot-noo naman ako sa kaniya.
"Huh? Anong pinadala?" tanong ko, wala naman akong inorder?
Napatingin ako sa main table namin at nakita ang bulaklak doon, meron ding chocolate, at isang malaking pizza.
"Ang sweet" dagdag pa ni Chesca kaya tinawanan ko ito.
Kinuha ko ang bulaklak at tinignan ang card nito,
You always make my heart beats fast
-CA
Napangiti nalang ako nang mabasa ang sulat doon, hindi talaga tumitigil si CA sa pagbibigay sa akin ng mga ganito. Para tuloy akong dalagang nililigawan dahil sa mga ginagawa niya.
"Ayie, kinikilig. Admirer?" tanong ni Chesca sa akin, nginitian ko nalang siya at hindi na sumagot.
Ex, Chesca haha!
Dinala ko naman ang bulaklak at chocolate sa table ko, at iniwan ang malaking pizza sa main table.
Pagdating ng lunch break, nilantakan namin ang pizzang ipinadala sa akin ni CA, halos hindi nga namin maubos dahil sa dami ng slices.
Nagulat kami nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at dumating ang Head namin, dire-diretso itong naglakad papunta sa amin sa nanguha din sa pizza na kinakain namin.
"Half day lang tayo ngayon" sabi nito sa amin habang kumakain ng pizza.
Naghiyawan naman ang mga kasamahan ko dahil sa narinig nila. Masaya din ako dahil makakauwi ako ng maaga.
Pagkatapos ng kainan namin ay nag-ayos na kaming lahat, para makaalis na ng opisina. Masayang nagsilabasan ang mga kasamahan ko dahil nga sa minsan lang mangyari ang ganito.
Nakita ko agad si CA paglabas ko ng elevator, nasa waiting area siya at nagbabasa ng magazine na nakuha niya sa table.
Agad itong napatayo nang makita akong naglalakad, kaya sinalubong ako nito. Nagtataka naman ako dahil sa presensya niya.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya.
"Asking you for a late-lunch date?" sabi nito sa akin, napakamot pa ito sa ulo niya kaya natawa nalang ako.
"Sure" sagot ko naman sa kaniya, kaya mabilis ako nitong inaya papunta sa sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficción GeneralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...