Kabanata 13

209 68 35
                                    

KABANATA 13:

Raphaelle Ilorgen

Lunes na agad, tatlong araw na ang lumipas, pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung nagbigay sa akin ng panda na yun.


Iniisip ko pa rin kung, siya nga ba talaga ang nagbigay nun? Pero bakit? Tsaka bakit naman siya pupunta din sa mall sa ganoong araw?


Pero bawal ba mag-mall para hindi siya makapunta dun?


ARG!! Lalong sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Masakit na nga ang ulo ko dahil sa pa-surprise quiz ni Sir Moreno sa Linear Algebra, at sobrang haba pa, hindi lang suprise quiz, long quiz din!


"Raph, bibili kaming pagkain sa labas" pagpapaalam ni Mannix. Papalabas na kami ngayon sa room namin, matapos ang naging bakbakan namin sa quiz na yun.


"Sige lang, sa Engineering Lib na muna ako" sagot ko.


"Ayaw mo kumain?" tanong ni Ivy, umiling naman ako sa kaniya. Pero ang totoo ay wala lang talaga akong ganang kumain.


"Bilhan ka nalang namin, text mo ko kung nasaan ka ha?" sabi ni Ivy, bago sila nagpaalam sa akin.


Naglakad naman ako papunta sa Engineering Library, pagbukas na pagbukas ko palang nung pinto ay ramdam ko agad yung lamig ng hangin sa loob. Aantukin ata ako dito.


Pumwesto ako sa dulong parte ng library, doon kasi yung medyo dim ang ilaw, at walang masyadong tao.


Inilabas ko na ang bond paper sa bag ko, pati na din yung sinusulatan ko ng mga notes ko sa Linear Algebra, hindi kasi ako nakapagsulat noong weekends dahil, puro tulog nalang ang ginawa ko. Pambawi nalang sa puyat ko nung midterms.


Habang nagsusulat, ay napasulyap naman ako sa harapan ko, nang maramdamang may umupo dito.


"Can I share a table?" nakangiti ito sa akin, si Ab.


Tumango naman ako sa kaniya, nakaupo na din naman siya, "Sige lang" sagot ko. At naglabas na nga din siya ng mga libro niya.


"Ang sipag mo naman, grabe" sabi nito.


Nginitian ko naman siya, "Mahirap matambakan eh" sagot ko. Tumango-tango naman ito sa akin.


Nagpatuloy lang naman ako sa pagsusulat, ganun din naman siya. Nang matapos ako, ay agad na tinignan ko ang relo ko.


11:45AM ang aga pa, 1 pa ang susunod na klase namin.


"Tapos ka na?" tanong niya sa akin, nang mapansing hindi na ako nagsusulat.


"Yep" sagot ko.


"Anong oras ang sunod na klase mo niyan?" tanong niya.

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon