KABANATA 34:
Raphaelle Ilorgen
Naging busy na kami sa mga sumunod na araw, dalawang linggo nalang din kasi ay midterms na namin. Maging sina Tita Glezel at Tito ay naging busy din sa pag-aayos ng mga papeles nila para sa paglipat nila sa ibang bansa.
Habang papalapit ang araw ay lalo akong nalulungkot kapag iniisip na aalis na sila, at hindi ko alam kung kelan sila babalik.
Nag-usap na din kami ni Kuya Roelle, at ang sabi nga niya ay doon nalang ako sa kaniya tumira, dahil mahirap daw kapag wala akong kasama sa bahay. Sumang-ayon nalang din naman ako, at malapit din naman ang tirahan ni Kuya sa VU.
"Raph, pinabibigay ni Kuya Carl" bungad sa akin ni Ivy sa garden nang makarating siya doon.
Ngayong oras lang siya pumasok dahil napuyat siya kagabi sa paghahabol niya sa mga lab reports niya, ayaw din naman niyang magpatulong.
"Saan binigay? Akala ko nasa review center na yun" sagot ko kay Ivy at inabot nga ang hawak niyang paperbag.
"Nakita lang niya ako sa may gate papasok, paalis na din ata?"
Binuksan ko ang paperbag na binigay ni CA, at nakita kong may note pa ito sa ibabaw.
Eat, don't starve yourself, payatot!
Take care always, I miss you!
- Love, CA
Nag-init ang pisngi ko nang mabasa ang note niya doon, nagulat naman ako nang biglang kurutin ni Ivy ang tagiliran ko.
"Ayie, kinikilig!" sabi pa nito sa akin kaya natawa ako.
Tinext ko naman si CA at nagpasalamat sa binigay niya, nagreply naman ito agad sa akin, baka nakarating na doon sa review center.
From: Love, CA
You're always welcome, eat wild! ;)
Natawa ako dahil sa text nito, lagi niya akong inaasar na payat daw ako, kaya lagi din siyang nagpapaalala na kumain daw ako nang marami, kaya nga din lagi siyang nag-aayang mag-gym para magkalaman daw ako at hindi buto-buto! Ang bully din nun eh.
May tatlong breakfast meal ng Mcdo ang nandito, at tatlong Mccafe, kaya naman binigyan ko sina Mannix at Ivy. Tuwang-tuwa na tumingin sa akin si Mannix.
"Naks, pagkain again! Lab talaga tayo nun ni Kuya Carl ah" sabi pa niya kaya natawa nalang kami ni Ivy.
Lagi kasing kapag may dinadalang pagkain si CA sa akin, ay kasama na din ang dalawa, napalapit na din kasi sila kay CA. Siya din ang madalas nagtuturo sa amin ng mga lessons na hindi namin masyadong magets lalo na sa Differential Equations.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...